Launchorasince 2014
← Stories

Sumusuko rin ang napapagod.

"Noong umalis ka,
sana ay isanama mo na rin
ang mga alaalang isinantabi mo na.
Dahil hindi naman simpleng paglimot
ang makagagamot sa pusong sugatan,
hindi simpleng paglimot ang lunas
sa mga iniwang luhaan.

Pero sa totoo lang,
kahit wala ng mapanghawakan,
gusto pa sana kitang ipaglaban.
Ngunit napagod din akong
abangan ang pagsikat ng araw
bitbit ang iyong mga alaala.
Dahil para saan pa,
kung hindi na kita kasama
sa sisimulan kong umaga?

Napagod din akong
makulong sa sakit,
sa mga sana at bakit.
Napagod din akong kumapit
sa mga alaalang
hindi na mauulit.

Doon ko natantong
siguro nga ay gano'n talaga?
Susuko ka din
kapag napagod ka na--
sa mismong
pinaghuhugutan mo ng pahinga."