Launchorasince 2014
← Stories

Tahanan

Sa dami ng mga kantang sabay nating narinig, tawa mo parin ang musikang pinakamasarap sa pandinig.

Madaming museo na ang ating binisita, ngunit ikaw parin ang nag-iisang sining na hindi pagsasawaang titigan ng aking mga mata. Ikaw parin ang pinakamaganda.

Ilang beses na tayong tumingala sa mga bituin, pero ang pananatili mo padin ang paulit-ulit kong hiling. Dinggin sana ni bathala ang nag-iisang dalangin, parati mo sana akong piliin.

Sa haba ng daang ating nilakbay, hindi na ako kailanman natakot maligaw dahil alam kong hawak mo ang aking mga kamay.

Gaano pa man kalayo ang landas na kailangan nating tahakin, anu't ano pa man ang lubak na madaanan natin, palagi mong aalalahanin na tahanan ng maituturing---ang mamalagi sa iyong piling.