Tatlong beses kong kinumbinsi ang sarili ko
Na umiwas mula sa tanglaw ng mga mata mo
Ngunit hindi ko magawa sapagka't nahulog ako
Sa ganda ng ngiti na nagmumula sa mga labi mo
Kahit tila araw-arawin ko'y di ko pagsasawaan
Ang tingnan ka sa malayo at lihim na pagmasadan
Hawak-hawak ang puso upang pigilan ang nararamdaman
Tumigil ka, ika'y kaibigan lang... kaibigan
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sayo
Na sa loob ng dalwang linggo
Ay tila nag-iba na ang pagtingin ko sayo
Lalo pa't napalapit ang tadhana ko sa tadhana mo
Tatlong taon kong pinigilan ang aking nadarama
Sa alam kong pagmamahal na akin lang at mag-isa
Tatlong kataga rin ang pinilit kong ibaon sa lupa
Mahal na kita...