launchora_img

The Painful Battle

Info

Kringggg, kringggg, kringggg.

            Tunog ng napakaingay kong alarm clock. In off ko na ito at natulog ulit. Inaantok pa ako eh. Napuyat kaya ako kagabi sa kakanuod ng kdrama. Nagising nalang ako ng maramdaman kong may sinag ng araw na tumatama sa napaka ganda kong mukha. Dahan dahan akong bumangon at nag unat unat ng katawan. Oo na late na ako pero pachill chill lang ang ginagawa ko. Anong magagawa ko eh. Ang boring boring lang sa school. Nag ayos na ako at lumabas ng kwarto ko.

"Good Morning Mommy, Daddy,Twin and Manang" I happily greet them.
"Good Morning din baby" Mommy and daddy said in chorus.
"Good Morning din twin" My twin said.
"Good Morning iha, kumain na kayo dyan"Manang said.
"Thanks Manang" "sumabay na po kayo samin" I said to her.

           Masaya kaming sabay sabay na kumain at nang matapos na kami ay hinatid na kami ng kambal ko sa school.

-----S C H O O L-----
           Hinanap ko ang mga kaibigan ko at niyaya silang mag escape. First day of class pag eescape ang inaatupag namin diba?! Ganun talaga eh. Aantukin lang ako dun. Nakakaantok pa naman magturo yung prof namin. Tss.

           "Heroine, Jackson, Cholo, Belle, Kian" tinawag ko sila at pumunta sa likod ng gymnasium. Dito kami tumatambay kapag nabobored kaming mag aral. Nagkwentuhan lang kami about sa mga nangyari sa amin nung bakasyon at sa di inaasahang pagkakataon may mga SSG Students pala na nagiikot ikot at nakita nila kami.

          Tumakbo na ang mga kasama ko at nakitakbo narin ako. Lumiko ako sa may bandang kanan pero may nakahuli na sakin. Tss. Sino naman kaya tong bwisit na to.

          Tinignan ko ito at nabigla sa nakita ko.  Kysler Drake Montiel ang lalaking matagal ko ng gusto. Pero ni minsan di ako nagustuhan.
He's very tall like a tree.
He's skin is soft like a lotion
He's lips is like a cherry to red.
He's eyes is like a star when it twinkles
And he's smile made me feel like I'm floating in air and all I can see he's wonderful face like an angel. 

          "Dalhin niyo na yan" kysler said to them. Hinila na nila ako at dinala sa Guidance office.

          "Ikaw na naman Arkisha" Sabi ng Guidance counselor sakin.
"Di kana nadadala. Lagi ka nalang dinadala dito. Kailan kaba titino ha"  Inismiran ko lang ito.
Kasabay ng pag dating ng kambal ko.
"Pasensya na po kayo sa kapatid ko" sabi ng kakambal ko.
"Last warning mo na to Arkisha, sa susunod idadrop out na kita sa paaralan na to" Sabi ng Guidance Counselor.
"Ok po" Sagot ko naman at tumayo na.

          Pagkalabas namin agad akong kinausap ng kakambal ko.
"Sinadya mo bang magpahuli sa kanila dahil gusto mo si kysler?!"  Josiah said.  "Duhh, Twinnie naman. Alam ko di ako pinapansin ni kysler pero di ko naman gagawin to no. Sadyang nahuli lang talaga nila ako."  I said to him.

           Hinatid na niya ako sa room ko at kasabay noon ay ang pagpasok ng prof namin.
"Good Morning Class." Ms. Park said
"Good Morning Ma'm" They all greet her. "Okay class, Alam niyo naman na kapag first day ng klase ay kailangang magpakilala diba. Umpisahan natin sa likod." Mrs. Park said.

"I'm lyra, 17 yrs.old----
"I'm Joshua 18 yrs.old---- bla bla bla bla.

          Hindi ko na sila pinakinggan at hinintay ko nalang silang matapos hanggang sa ako na ang magpapakilala. Dumiretso ako sa harap at nagpakilala sa kanila. Tss. As if naman di nila ako kilala.

           "I'm Arkisha Autumn Fritz,  17 yrs.old. Nice to meet you all" sabay punta sa upuan ko at di na nakinig sa kanila. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang napakadaming nagtext sakin from unknown number. Tsss. Boys mangungulit na naman sila. Diko nalang ito pinansin at yumuko nalang.  May umupo sa tabi ko at di ko nalang ito tinignan.

           "Hi guys. Alam ko kilala niyo na ako pero magpapakilala pa rin ako. I'm Kysler Drake Montiel, 18 yrs.old."

          Pagkarinig ko palang sa boses niya ay agad na akong napatingin sa kinatatayuan niya. Ang gwapo niya talaga lalo na kapag nagsmile siya. Tumabi siya sakin at di man lang ako pinansin. Lagi naman eh. Sanayan nalang hahaha.

-----  DAY PASSED -----
           Ganun pa rin si kysler sakin di ako pinapansin. Parang bula lang ako sa tabi niya. Ni tignan nga di niya magawa eh, kausapin pa kaya ako. Pero di kalaunan ay nakausap ko na din siya. Siguro nainis na sa sobrang kakulitan ko.

----- MONTHS PASSED -----
          Naging mas sobrang close na kami sa isa't isa. Napagkakamalan na nga kaming mag boyfriend/girlfriend na dalawa eh. Di na rin ako mahilig mag escape at sinusubukang mag aral ng mabuti kasama si kysler.

          May nagtext sakin at nakikipag kita siya sa likod ng abandonadong building. Si Drea na pinagpalit ng boyfriend niya sakin pero di ko naman gusto yung boyfriend niya kase nga ang panget lang niya.  Pinaunlakan ko nalang ito para di na ako kulitin pa.

          Pumunta na ako sa lugar na sinabi niya at di ko inaasahan na hindi siya ang makikita ko doon kung hindi ang limang lalaki na may hawak na baseball bat at balisong. 

          Bigla akong nakaramdam ng takot at kumaripas ng takbo pero nahuli pa rin nila ako at tinangkang hahampasin ng baseball bat ng biglang dumating si Josiah at Ksyler.

          Nakahinga ako ng maluwag ng makitang nandito silang dalawa. Sumugod ang limang lalaki at biglang sinuntok si Josiah. Kinakabahan ako para sa kalagayan ng  kakambal ko at kay kysler.  Habang abala sila sa pakikipag suntukan may isang lalaki ang humila sakin.

          Sumigaw ako sa sobrang takot linapitan ako ni kysler at pinagsusuntok ang lalaking lumapit sakin. Napunta naman sakin ang atensyon ng kakambal ko at di namalayang may pasugod ng isa pang lalaki sa kanya.

          Huli na nang napagtanto kong nahampas si Josiah ng baseball bat at hindi pa ito nakuntento at hinampas pa ng paulit ulit sabay labas ng balisong sa kanyang tagiliran at sinaksak ito. Pag katapos nilang gawin yun ay nagsipag takbuhan na sila.

           Nanginginig ako sa takot habang dahan dahang  lumapit sa kakambal kong  patuloy na umaagos ang dugo sa katawan. Umubo ubo pa ito ng dugo habang nagsasalita ng " I love you twin. Habang nabubuhay ako walang pwedeng makapanakit sayo." hindi ko mapigilang mapaiyak sa sinapit  ng kakambal ko. "I Love You too twin, Please wag kang bibitaw ha?" Hindi mo ako iiwan diba. Dito kalang sa tabi ko bal." Iyak lang ako ng iyak.

            Umalis ako sa tabi niya at  humingi ako ng tulong. Mabilis na lumapit sakin si kysler at tinignan ang nangyari kay Josiah. Agad namin siyang binuhat at humingi ng tulong sa mga sasakyan na dumadaan sa harap namin pero hindi naman sila humihinto.

          "Shit twin kumapit ka lang ha." Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya habang humahagulgol sa iyak. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala sakin ang kakambal ko.

          May dumaan na nagtatricycle at huminto ito sa harap namin at tinulungan kami. Dinala niya kami sa pinaka malapit na hospital at pinasok na ang kambal ko sa Emergency Room. Iyak lang ako ng iyak doon habang kinakausap ako ni kysler.

           "Arkisha, Nasan ang cellphone mo?" "Tawagan natin ang Mommy at Daddy mo, kailangan nilang malaman ang nangyari sa kakambal mo" kysler said. Binigay ko ang cellphone ko kay kysler at hinayaan siyang tawagan ang parents ko. Umupo ako sa sahig at humagulhol ng iyak dun. 

          Kung hindi sana ako nakipag kita kay drea hindi mangyayari sa kakambal ko to. Hindi sana siya mapupunta sa ganitong sitwasyon. Kasalanan ko lahat ito. Dapat ako nalang yung nasaksak eh. Ako nalang yung hinampas nila. Hindi yung kakambal ko na walang ginawang kasalanan sa kanila.

           Dumating ang mga magulang ko at tinanong ako kung anong nangyari. Kwinento ko sa kanila ang lahat at galit na galit sa akin ang mommy ko. Umiyak lang ako ng umiyak ng lumabas ang doktor na umasikaso kay Josiah. Kailangan po nating operahan ang anak niyo Mr. and Mrs.  Madami ding dugo ang nawalan sa kanya kaya kailangan siyang masalinan agad. Kapag hindi siya naoperahan ay maaari niyang ikamatay iyon.

           Nanghina ako sa narinig ko at mas lalong humagulhol sa iyak. "Josiah please lumaban ka wag mo naman akong iwan. Ako na kakambal mo. Si Mommy, Si Daddy.  Paano nalang kami diba? Kapag wala kana? Wala ng magtatanggol sakin.  Wala nang susundo sakin kapag malakas ang ulan. Wala na akong kasama sa pagbabakasyon kapag busy sila mommy at daddy."

          Umalis ako doon at dumeretso sa chapel ng hospital. Nagdasal ako ng paulit ulit. "Lord please, wag mo munang kukunin sa amin si Josiah. Napaka bata pa po niya para mawala nalang. Lord please magpapakabait na po ako wag mo lang pong  kunin ang kakambal ko."  Nagpalipas pa ako ng ilang minuto doon at umalis na agad. Pumunta ako sa harap ng emergency room at hinintay ang operasyon ng kakambal ko.

          Lumabas na ang mga nurse at doktor at naglakad patungo samin. I'm sorry Mr and Mrs. Fritz pero hindi po kinaya ni Josiah ang operasyon. Hindi kinaya ng katawan niya ang sobrang dami ng saksak at madami din ang bali sa kanyang katawan. Habang inooperahan namin siya ay tumigil ang pagtibok ng puso niya hindi rin tinatanggap ng katawan niya ang dugo na isinalin sa kanya. I'm sorry but Josiah's dead.

           Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa sinabi ng doktor sa mga magulang ko. Umalis na ang doktor at dumiretso na kami sa pwesto ni Josiah.

          Iyak lang ang maririnig mo sa apat na sulok ng kwarto. Sobrang sakit na yung kakambal mo ay namatay ng dahil sayo. Lumapit ako kay Josiah at Umiyak ng umiyak. "Bal naman eh. Sabi mo walang iwanan diba? Bakit ganun? Iniwan mo ko? Iniwan mo kami?"  Sabi ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit sa malamig niyang katawan.  "Sabay pa tayong gagraduate bal diba? Sabay nating tutuparin ang mga pangarap natin diba? Pero bakit ganun, ako nalang ang tutupad sa mga yun." "Hindi mo tinupad yung promise mo sakin na hindi mo ako iiwan. Bal please bumalik kana." Patuloy ang pagdaloy ng luha ko.

          Si mommy ay sobrang sa pagiyak dahilan para himatayin siya. Tumawag agad ako ng doktor para matignan si mommy.

            Dinala siya sa isang room at hiniga sa kama. Kasalanan ko talaga to eh. Hindi mamatay si bal kung hindi dahil sakin. Ako lang ang dapat sisihin sa mga nangyari. Patuloy lang ako sa pag iyak at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pwesto ko. Pagkagising ko nakahanda na ang burol ni Josiah. Hindi ko na naman mapigilan ang emosyong nararamdaman ko. Galit,  galit sa mga taong gumawa nito sa kanya.

           Umiyak lang ako habang tinititigan ang napaka gwapong mukha ng kakambal ko.
Yung ilong niyang napaka tangos.
Yung mata niyang napaka ganda
Yung labi niyang sobrang pula
Yung kilay niyang nagsasalubong kapag nagagalit siya.
Sobrang magkamukha magkamukha kami ang pinagka iba nga lang nun ay lalaki siya at babae ako.

            Hindi ko makausap ng maayos si mommy dahil tulala lang siya sa harap ng kabaong ng kakambal ko. Sobrang galit sakin si mommy at hindi man lang ako magawang tignan at kamustahin sabagay ang paborito niyang anak yan eh. Pero tama naman siya kundi dahil sakin di mangyayari sa kakambal ko to.

          Umiyak lang ako ng umiyak sabay lumapit sa akin si daddy at niyakap ako. "Baby, wag mo nalang pansinin ang mommy mo ha? Hindi mo kasalanan kung bakit namatay ang kapatid mo". Daddy said and hugged me tight. Mabuti nalang at nandyan si daddy upang pagaanin ang loob ko.

          Dumating ang araw ng libing ni Josiah at hindi ko kayang pumunta sa libing niya. Hindi ko kayang makita na binababa ang kapatid ko at tatabunan ng lupa pero gayunpaman pumunta pa rin ako.

          Madaming pumunta na kaklase ko at kaklase ni Josiah pati na rin ang mga kamag anak at kaibigan naming dalawa. Pumunta ako sa harap at nagkwento about sa kakambal ko habang patuloy na umaagos ang luha ko.

          "Josiah Troy Fritz, Bal. Ikaw yung tumayong super hero ko kapag may unaaway sa akin. Kapag mag isa lang ako lagi kang nandyan sa tabi. Tinutulungan mo kong makatakas sa mga kalokohang ginagawa ko. Ikaw yung kakambal na sobrang protective, sobrang sweet at mapagmahal. Bal hinding hindi ka mawawala sa puso't isipan ko. Bal gabayan mo ko ha? Kahit na wala kana. Alam ko naman na hindi mo ako pababayaan eh. Nandito ka lang sa tabi ko. Mahal na mahal na mahal kita twin. Mamimiss kita". Humagulhol ako ng iyak at tinulungan akong makaupo ng mga kaibigan ko.

----- DAY PASSED -----
          Si Mommy naman ang hindi naging maayos. Sinisisi parin niya ako sa nangyari sa kapatid ko. Minsan nakikita ko siyang tulala at umiiyak. Sobrang sakit saking makita na nangyayari sa mommy ko yun. Hindi siya kumakain ng maayos.

           One time umalis ako ng bahay para mamili ng grocery dahil naubusan na kami ng stock. Pag uwi ko sa bahay dumiretso na ako sa kitchen  at nilagay ang mga pinamili ko.

          Pumunta na ako sa kwarto ni mommy para tignan ang ginagawa niya. Nagulat ako ng makitang nakahiga sa sahig si mommy at patuloy na umaagos ang dugo sa kanyang palapulsuan.

          Tinawag ko ang mga kasambahay namin at pinahanda ang sasakyan. Malapit na kaming makarating sa hospital ng biglang mahulog ang kamay ni mommy. Napaiyak ako sa nangyayari. "Please mommy. Kumapit ka lang po."  Nakarating na kami sa  hospital at dinala ang mommy ko sa emergency room.

          Ilang minuto lang ang nakalipas at lumabas na agad ang doktor. "Paumanhin iha pero di na naka abot ang mommy mo" "dead on arrival na siya". Di ko kinaya ang narinig ko. "No please not my mom. Please."

           "Kinuha mo na nga ang kakambal ko pati ba naman ang Mommy ko! Ganon ba karami ang kasalanan ko at sila ang kinuha niyong kapalit?!!" Iyak lang ako ng iyak hanggang sa dumating ang daddy ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at mas lalong humagulhol ng marinig ko ang pagtangis ng aking daddy.

          "Dad, I'm sorry. Kasalanan ko. Kasalanana ko kung bakit namatay si Josiah at ngayon pati si mommy. Sana ako nalang ang namatay hindi sila. I'm sorry dad" Iyak lang ako ng iyak.

           Hindi na pinatagal ang burol ni mommy at nilibing na siya agad. Sobrang nagluksa ako sa nangyari. Kakamatay lang ni Josiah tapos si Mommy naman. 

           Nagmukmok ako sa kwarto at walang tigil sa pag iyak ng pumasok ang daddy ko sa kwarto. "Baby, please kumain kana. Wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Wala kang kasalanan. Hindi magiging masaya ang kambal at mommy mo kapag nalaman nilang nagkakaganyan ka." Sabi ni daddy sakin. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng napaka higpit at umiyak sa tabi niya.

          Kailangan kong maging matatag para kay daddy siya nalang ang meron ako at ayokong pati siya mawala sa akin.

          Nag aral ako ng mabuti at tinuon lahat ng atensyon ko kay daddy. Tinulungan ako din ako ni kysler sa mga napag iwanan kong mga lesson at pinahiram din niya ako ng mga lectures niya.

          Nagpapasalamat naman ako at nandyan siya sa tabi ko. Nag daan ang mga buwan at malapit na akong grumaduate ng high school. "Josiah kung nandito ka lang sana sabay tayong kukuha ng diploma natin yun nga lang may honor ka ako wala" di ko mapigilang mapaiyak habang iniisip ko sila ni Mommy at Josiah. 

          Lumipas ang ilang taon at laging nandyan sa tabi ko si kysler.

          Niligawan din niya ako at sinagot ko din naman siya. Habang tinutupad ko ang mga pangarap ko. Inaalala ko ang mga masasayang araw na magkakasama kaming buong pamliya.  Sana buhay pa rin sila mommy at josiah para makita naman nila na malapit ko ng matupad ang mga pangarap ko.

          Kasama ko ang dalawang lalaki na sobrang  importante sa buhay ko si Daddy at Kysler. 

          Natupad ko naman ang pangarap kong maging isang Flight Attendant at si Kysler naman ay naging isang ganap na Engineering. Ang babaeng nagpapasimula ng gulo noon, successful na ngayon.

----- AFTER 5 YEARS ----- 
          Kasama ko si Daddy sa sasakyan at patungo ito sa simbahan. Sa wakas ikakasal na din ako sa lalaking matagal ko ng mahal.  Bumaba na ako sa sasakyan at inalalayan naman ako ni daddy na makarating sa loob ng simbahan. Kasabay ng pagbukas ng pintuan ay siyang pag tugtog ng wedding song.

~ I do cherish you🎶
~ For the rest of my life🎵
~ You don't have to think twice 🎶
~ I will love you still🎵
~ From the depths of my soul 🎶
~ It's beyond my control🎵
~ I've waited so long to say this to you 🎶
~ If you're asking do I love you this much🎵
~ I DO. 🎶

          Nang nasa harap na ako ni kysler ay di ko mapigilang mapaiyak. Binigay ni daddy ang kamay ko kay kysler sabay ngumiti sa kanya.  "Alagaan mo ang anak ko iho ah". Daddy said. "Opo dad" kysler said to him. Lumapit na kami sa pari at nakinig sa kanya. Nagpalitan kami ng vow ni kysler at sabay sabing I DO.

          Masaya ako dahil kahit na sobrang hirap ng mga pinag daanan  ko dati di pa rin ako pinabayaan nila Mommy at Josiah. Binantayan pa rin nila ako at hindi hinayaan na maging malungkot na lang. Hinding hindi mawawala ang mga alaala nating magpapamilya. Sa mga panahon na nagkukulitan kaming dalawa ni Josiah at ang mga outing nating masayang magkasama sama.

          Hinding hindi ko po kayo makakalimutan My, Twin. I love you. Nagpapasalamat din ako kay daddy na hindi rin ako iniwan at nananatili sa tabi ko ngayon.

          Sa mahal kong asawa na si Kysler Drake Montiel. Mahal na mahal na mahal kita.
               -Arkisha Autumn Fritz Montiel.💕


Be the first to recommend this story!
launchora_img
launchora_imgKit Nadado
6 years ago
This is such a great story. Amazing effort and it paid off. Well done!
launchora_imgMary Ann Alde
6 years ago
thank you sir ?
More stories by Mary Ann
LOVE AT FIRST SIGHT

Do you believe in love at first sight? Yes or No?

00
Waiting

Still waiting....

11

Stay connected to your stories

The Painful Battle

55 Launches

Part of the Fan Fiction collection

Updated on August 21, 2017

Recommended By

(0)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.