Are you sure you want to report this content?
Para kang kape
Hindi. Matindi ka pa sa kape
Kung makapagpatibok ng pusong ito
Sa bilis ay ayaw na huminto
Di malimot ang ilang sigundo
Ikaw. Ako. At ang memoryang silyado
Sa kalagitnaan ng katahimikan
Sabik kang lapitan
Dinig ko ang nakakabinging bilis na pintig
Sana di na natapos ang mga titig
Mali. Tapusin na natin ang mga titig.
At sambitin na ang mga gustong sambitin ng bibig
Kala ko ay sapat na ang mga titig
Pero mas sabik pala ako sa iyong tinig
Kapag ika'y lumalapit parang ako'y nagugulat
Ngunit ang totoo ay lahat ng yapak mo ay parang sa aki'y nakaulat
Sa malayo pilit kang minamasdan
Sa malapit ay di na alam pano ka iiwasan
Tigilan na natin ang tagutaguan ng nararamdaman
O baka nmn pigilan ko na ang AKING nararamdaman
Ang akala kong mga titig na may dalang kilig
Sila pala ay titig na walang tinig
Tinig lang pala ng sariling pintig
Nabulag sa inaakalang saakin nakatitig
Tapusin na natin ang mga titig
Tatapusin ko na ang mga titig.
55 Launches
Part of the Poetry collection
Published on August 30, 2017
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.