Launchorasince 2014
← Stories

Tulang Pasaring

Hindi maikakaila,
Ang lungkot sayong mga mata.
Ang liwanag ng buwan,
Ay saksi sayong pagluha.

Hindi alintana,
Ang lamig ng gabi.
Dahil mas matimbang,
Ang lamig ng pusong sawi.

Isang taon na rin,
Ng durugin ka nya.
Subalit parang kahapon lang,
And hapding nadarama.

Sariwa pa sa gunita,
Ang mga katagang binitawan.
Mga pangakong kay ganda,
Nawala na lang ng biglaan.

Hindi alintana,
Ang bawat patak ng ulan.
Damdaming nagkukubli,
Sa dilim ng kawalan.

Hindi na aasa,
Nawalan na ng ligaya.
Hindi na iibig,
Nawalan na ng tiwala.

Maaring pinagtapgpo,
Subalit hindi itinakda.
Maaring nagkakilala,
Ngunit hindi para sa isa't isa.

Madilim ang paligid,
May hikbing nagpupumilit.
Mga hinaing sa langit,
Bakit ito ang sinapit.

Ang buhay na malaya,
Tinuldukan ng pandaraya.
Mga kasinungalingang katha,
Bumura sa mga umagang kayganda.

Ipipikit ang mata,
Taimtim na mananalangin.
Sana sa dako pa roon,
May ligayang naghihintay sa akin.

Hindi na maibabalik,
Ang mga pangarap na nawasak.
Hindi na maiuukit,
Ang kastilyong buhanging may tinik.

Sa bawat pag lipas ng oras,
Ang dasal sana'y makalimot.
Ang pusong durog sa kapaitan,
Ng pagmamahalang pansamantala lamang.

-stars and darkness.