Launchorasince 2014
← Stories

Una

Una.

Ito ang unang tula at simula

Sisimulan ko ang isang daang katha

Ang bawat salita ay magiging isang panata

Panatang sisimulan ko dahil sa pag-ibig ko sayo

Hindi man ako sigurado kung mababasa mo ito

O maririnig mo ang mga salita ko para sayo

Ngunit hinihiling ko parin sa hari ng mundo

Na ang dating ikaw at ako

Ay maaari pang maging tayo

Hindi ko mabatid ang lugar ko sa puso mo

Hindi ko mahanap ang nawawalang pag-ibig mo

Kung nandiyan siya, nasaan ako?

Ang lahat nga ba ng noon ay isa lamang laro?

Unang beses ko lang pinag-isipan kung isusulat ba ang tulang ito

Sapagka't tila may pumipigil at nagpapalito

Sa relasyong hindi ko mapagtanto

Kung meron ba o wala talagang

tayo...