Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Unang dekada
Teka ilang taon na nga ba?
Sampu. Kaya nga dekada di ba?
Sabi ko nga, sampung taon na mula nung lumisan ka
Unang dekada
Ngunit mga alaala moy sariwa pa
Mga tawa mong nakakadala sa tuwing nanonood ka ng komedya
o di kaya'y t'wing palpak si Goku at nagmumukhang tanga
Unang dekada
Naalala ko pa tuwing tumutulo ang laway mo sa kakatawa
Sa tuwing umuuwi ako galing eskwela at dragonballs z ang pinapanood mo sa sala
At mamamatay ka na sa kakatawa
Unang dekada
Unang dekada na wala kaming kawrestling ni janjan sa kama
Unang dekada na walang nagsasabing "oy matulog kayo at tanghali na"
Unang dekada na walang mabibigat na binti at paang nakadantay sa amin upang di namin matakasan ang utos mong matulog na
Unang dekada
Teka naalala ko pa pala
Sa twing nagwawala ka kasama ang gitara
At walang humbay ang pagsabay sa mga kanta ng parokya
Kaya nga nakilala ko si buloy di ba?
Maghapon mo kasi syang kinakanta
Unang dekada
Oo yung maskara mo nga pala
Andito nakatago pa
Alaala ng kakulitan at panggugulat mo sa mga ate pag seryoso na sila
Unang dekada
Tanong naming lahat, kung andito ka kaya may asawa ka na?
Haha, Siguro meron, siguro wala
Di rin namin mawari kasi nga, gwapo ka
Unang dekada
Unang dekada na andyan ka sa langit at wala dito sa lupa
Enjoy ka lang dyan ha, Kuya,
Huntahin mo silang lahat na sigurado naman akong mamahalin ka,
Sa galing mo ba namang makisama, eh di ikaw na!
Unang dekada
Sa unang dekadang wala ka man dito sa lupa,
Mananatili ka naman sa mga puso namin at diwa
Wala na rin akong masabi pa kundi,
"We Miss You Kuya!"
72 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on June 15, 2017
(7)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.