Are you sure you want to report this content?
Illustration by @dariaesste
Hindi ko alam kung paano sisimulan
Ang kwento ng luha kong parang ulan
Hindi tumitigil ang hapdi, walang katapusan
Humihingi ng tulong, sa paghinga'y kinakapusan
Saan nga ba patungo?
Itong aking utak na may sakit at magulo
O kaya itong wasak na wasak na puso
Saan nga ba tutungo kung naging malupit itong mundo?
Pagod na akong kumapit
Aking kamay ay tila nangangawit
Nakahawak pa rin sa lubid kaya ang palad ay masakit
Pero bawat hibla ng lubid ay tila unti-unting napupunit
Tinitiis lamang ang sakit at hapdi
Sa lahat ng kanilang inuutos ay hindi maka-hindi
Kahit pagod na pagod na ako, wala pa ring umiintindi
Kaya heto ako, sa aking mga hagulgol ay naririndi
Gusto ko ng matapos ang lahat
Itong buhay kong sa problema'y hindi makaangat
Lahat na ng pwedeng ikasaya ay kinakagat
Kahit ano pero wala pa ring nagpapasaya dahil hindi sapat
Dapat pa ba akong mabuhay
Tuluyan na akong nawalan ng kulay
Tila isa na lang akong humihinga at naglalakad na patay
Pinipilit bumangon kahit sa buhay nauumay
46 Launches
Part of the Poetry collection
Published on February 18, 2018
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.