Are you sure you want to report this content?
Bubuo ako ng salita at tapusin mo na,
Tulad ng una nating pagkikita sa tag ulan na puno ng storya.
Wag kang mag alinlangan,
Ipunin mo ang yong tapang tulad nang magtanong ka kung maari kang makihati sa mesa.
At malugod akong sasagot ng pagpapaubaya.
Mahal, pagkatapos ng mahabang takbo pakinggan mo ako —
Pinakinggan mo na ako.
Pagkat lumaya ka na at wala na rito.
Ngunit sa huling pahina ng ating libro maari bang samahan mo ako,
Pagkat napagtanto kong di pala parating maligaya ang makuha ang gusto mo,
Sapagkat ngayon ang ulan ay isa ng bagyo sa mga mata ko.
Kaya maupo ka,
Hawakan mo ang aking kamay na tangan tangan ang pluma,
Huwag ka munang bumitaw pagkat ako'y nahihirapan nang gumalaw.
Naisulat ko na ang unang dalawang salita,
Kaya heto na ang pluma at ikaw na ang gumawa,
Matapos mong isulat ay lagyan mo na ng tuldok,
Tumayo at humayo ng di natatakot.
At dito lang ako,
Tatahiin ang sarili matapos nating isulat ang wakas sa dulo.
Paalam sayo.
36 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on July 10, 2017
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.