launchora_img

Illustration by @luciesalgado

When She Already Moved On

Info

Hi I am sweg, so teka pano ko ba to uumpisahan?

Ayon nga matanda siya sa aken ng 5 or 6 years pero kahit ganun minahal ko si K. nakalimutan ko nga dahil sa kanya si JC. Crush ko yon since Gr. 8 ako.

Noong una di ko siya pansin, di ko rin siya close, at never kaming nagkausap kahit na malapit lang siya sa amin. Ohrayt ganun ako ka snob. Joke!

Pero dahil sa kaibigan kong babae na kaibigan din niya nagkakilala kami na slight at may pansinan ng nagaganap non. At sakto may Liga banda sa amen at basketball player din siya. Pangalan nga ng group nila ay TUNKER? THUNKER? Ewan ko sa sobrang tagal na, nakalimutan ko na. ayon di naman ako mahilig manood nang basketball. team bahay kase hahaha. Pero dahil nga di ko pa non crush si K, crush ko non si JC eh siya lang naman pinapanood ko non eh. Hahaha ayun napapanood ko rin pag may laban sina K. ang akala ko pabibo lang si K non paporma ba ganon. Pero hindi naman pala noong napanood ko siya ang galing galing niyang mag shoot. Yung disappointment feelings naging exciting feelings ayun biglang bumilis yung tibok ng puso ko at bawat takbo talon at shoot niya nag iislowmotion sa paningin ko. Sh*t this can’t be! Sa pagsama sama ko sa kaibigan kong babae, naging super close nakame at palagi niya akong pinapansin, inaasar. Ayun lalo tuloy akong nahulog sa kanya. DANGER nanaman. Tsk.

At dumating yung araw na hulog na hulog na talaga ako sa kanya. Piling ko nga non nagugustuhan niya na rin ako samantalang ako hulog na hulog na. kase galing siya sa break up ng girlfriend niya non. Sabi niya saken first love niya yon kaya mas lalo akong walang laban eh.

Naalala ko pa na kinuha niya yung cellphone number ko, simula non palagi nakaming magkatext minsan tumatawag siya. Syempre bagya kumo buri wahahaha.

At noong last last last year ng mahal na araw good Friday ayyy hinde sabado de Gloria na non kase alas 3 ng madaling araw na yon eh. Syempre pinagpaalam non nila ako ahh sa harap lang naman kami ng bahay ng kaibigan ko hahaha. Ayon naka shot non siya ng beri beri layt! Hinde matakaw pala alak si K kaya siguro hilo non siya hahaha. Ayon nagtapat siya ng feelings niya para sa aken nagkekwentuhan nun kame eh sakto tatlo lalng non kame siya ako at yung kaybigan kong babae. Naalala ko pa nga sinabi niya noon “ Gusto kita sweg kaso ang laki ng agwat naten sa isa’t-isa ikaw 15 ako 21 liligawan sana kita kaso alam ko naman na maraming hahadlang sa pagmamahalan na bubuuin natin eh. Lalo na sa mga kaybigan ko baka ano pang sabihin nila. Kaya mabuti nang ganito tayo magkaybigan. Dito tayo tatagal.” Hindi ko non alam kung ano ang aking mararamdaman eh kung kikiligin, maiinis, iiyak nalang siguro. Speechless non ako di dahil sa wala akong masabe diba ang gulo? Speechless ako kasi parang may nakabarang bato sa lalamunan at parang sinaksak ang puso ko. Hindi ito yung gusto kong pagtatapat. Dami niyang dahilan, di nalang niya ako daretsuhin diba na hindi niya talaga ako mahal siguro gusto niya lang ako or maybe lust lang yung nararamdaman niya. Andaya naman mahal na mahal ko na siya pero siya palalamon niya ang mga walang kwenta niyang dahilan. Pero kahit ganon pa man alam ko na magmahal man siya ng iba, balikan niya man ang first love niya alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko parin siya. Sabi nga nang isa kong kaibigan na si Jackson ang swerte daw nang mamahalin ko. Kasi binibigay ko lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay. Buti pa siya nakikita ang pagmamahal na iniaalay ko ng buong puso samantalang siya ang manhid niya, ni hindi man lang niya ma appreciate ang effort ko at pagka loyal ko sa kanya.

Lumipas ang ilang araw at hindi na kami masyadong nagkikita. At ayaw ko siyang Makita na gusto ko siyang Makita ewan napakagulo ng puso’t isip ko. Sabi ng puso ko gusto niya siyang Makita. Pero ang isip ko naman ay hadlang dito.

Lumipas ang isang buwan di ko parin siya nakikita miss na miss ko na siya ang pagtawag, pagtext niya sa akin. Miss na miss ko na rin ang pagkanta niya kapag tumatawag siya sa akin. I miss all about him.

At nabalitaan ko nalang na nakahanap na siya ng trabaho. Congrats nalang sa kanya.

Biyernes non kakagaling ko sa school malapit na ako sa amin nang Makita ko siya kasama niya yung kaybigan kong babae. Nagkekwentuhan sila. Ako naman di ko alam kong anong mararamdaman ko naghalohalo na eh sa tagal ko ba naman siyang di nakita. Basta naglakad ako’t nag inhale, exhale lumapit ako sa kanila at binate siya ayun napaka awkward talaga ng loob loob ko pero naging normal naman ang pagsasalita ko.

Meron akong napansin, mapapansin mo talaga kasi di na siya tulad ng dati. Yung way na pagtingin niya sa akin naging normal na, yung ngiti niyang nakakatunaw di ko na Makita, yung tibok ng puso ko na napakabilis naging stable na, di na rin ako nabubulol kapag kaharap siya at mas lalong masasabi ko na nakamove on nako sa kanya. Bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang ang aking kamay, nabigla ako syempre. Kinamusta niya ako’t sinabi niyang mag uusap daw kami pagsapit ng gabi. Okay lang naman yun sa akin kasi sabi nga niya kaibigan kami at dun kami tatagal. Lumipas ang ilang oras at gabi na.

Pumunta ako dun sa malapit sa bahay namin kasi dun kami nagtatambay kapag nagsasama kami. Hinintay ko siya doon at dumating naman agad siya.

Tinanong ko kung anong pag-uusapan namin. Yung tungkol daw samin ang pag-uusapan naming dalawa. Blangko naman akong tumingin sa kanya at sinabing walang samin tapos na. itinatak ko na sa puso ko na hanggang kaibigan lang talaga. Pero ang sabi niya maipaglalaban na niya daw ako at buong buo na daw ang desisyon niyang mahalin ako ng walang limit. Ang sabi ko naman huli na kasi wala na talaga akong maramdaman towards sa kanya. Nagmakaawa siya sakin at sinabing bigyan ko daw siya ng second chance baka daw sakaling mabuhay ang pagmamahal ko na ibinigay sa kanya dati. Pero nakapag pasya na talaga ako at manligaw man siya o hindi wala na akong pakialam. Sawa na akong masaktan paulit-ulit nalang. Pinabayaan niya akong tumalikod at maglakad palayo sa kanya, katulad ng ginawa niyang pag-iwan sa akin na wala lang paalam. Edi sana hinintay ko siya at hindi sinayang ang mga napakaraming pagkakataon na ipamalas ang natatangi kong pagmamahal na iaalay lang sana sa kanya. Napaka sakit isipin na Siguro hindi talaga kami para sa isa’t-isa. Bumilis ang pagdaloy nang luha sa pisngi ko. Kahit papaano ay naging espesyal siya sa puso ko. hindi ko intensyon na saktan siya sa ganitong paraan pero wala akong magagawa. Nagpapakatotoo lang ako sa kanya at sa sarili ko.

Lumipas ang isang araw at sabado nanaman umagang umaga tinatawag ako nang ate ko may naghahanap daw sa akin. Lumabas ako at nakita ko siya si K sa harap nang bahay namin. Pinapapasok ko siya pero hindi daw siya magtatagal magpapaalam lang daw siya at para may closure daw kaming dalawa. So ibig sabihin hindi niya na babalakan ligawan niya ako at magpapakabusy siya. Ayos lang sa akin yon. Mabuti, para di na namin masaktan ang isa’t-isa. nag sorry siya sa akin at hindi daw niya ako makakalimutan. Likewise. Umalis na siya at pinagmasdan ko siyang umalis hanggang di ko na siya Makita.

Hayyyy! Napakalabo talaga ng pagmamahal yung tipong mahal na mahal mo siya tapos siya hindi sure sa nararamdaman niya. Pero kapag nakalimuttan mo na yung special feelings mo sa kanya, saka sila magpaparamdam at magtatapat. Kaylan ba talaga masasabing para kayo sa isa’t-isa? kailangan bang kaybiganin si tadhana para sure talagang para kayo at walang hahadlang sa inyong dalawa? Para sa katulad kong kabataan na maagang nagmahal, alam ko na marami pang pagsubok at pag-ibig ang dadating sa aking buhay. Kaya ang gagawin ko nalang ay magfocus sa pag-aaral at maging proud ang aking nanay at tatay, para maiangat ko ang aming buhay. At tatandaan ko ang sinabi nang aking guro na ipagpaliban ko muna ang pagpasok sa romanntic na relasyon dahil kapag nagtatrabaho at matagumpay ka na sa iyong buhay ay makakatagpo mo rin ang taong para sa iyo. Ako si Mariel “sweg” Wang, at ito ay aking maikling kwento para sa taong minahal ko nang sobra, at wala akong nagawa kundi palayain siya. Dahil dun siya sasaya.


- THE END


Be the first to recommend this story!
launchora_img
More stories by Mhariel
'When She Isn't Chosen Him.

A Short Story...

10
Because of you

Time passed, life passed. Please take me.

61
Random Awe

Crazy imagination. Confession of a...

31

Stay connected to your stories

When She Already Moved On

58 Launches

Part of the Love collection

Updated on August 28, 2017

Recommended By

(0)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.