Launchorasince 2014
← Stories

Ako at Ikaw

Ako `yung tipo ng lalaking gagawin ang lahat mapasaya ka lang

Ako `yung tipo ng lalaki na mamahalin ka hanggang dulo

Ako `yung tipo ng lalaki na hahayaan ka sa mga bagay na naisin mo

Ako `yung tipo ng lalaki na susuportahan ka sa mga bagay na ikakaligaya mo

Ako `yung tipo ng lalaki na ihahatid-sundo ka sa bahay mo

Ako `yung tipo ng lalaki na makaka-usap mo sa pagsibol ng umaga at hanggang maging buwan ang tanglaw

Ako `yung tipo ng lalaki na igagaya ka sa tama at itutuwid ang pagkakamali mo

Dahil ako `yung tipo ng lalaki na hinding-hindi ka hahayaang lumagapak, mula sa `yong mataas na pagkakalipad.

Pero kahit na ako `yung ganitong tipo ng lalaki, alam kong itong tipo na `to ay hindi parin sasapat sa ikaw na may Siya.

Ikaw na mas malawak ang pagkaka-ngiti kapag kasama ‘Siya’

Ikaw na mas nagiging masaya kapag ‘Siya’ ang sumusuporta

Ikaw na mas pipiliin mong ‘siya’ ang maging tagahatid-sundo mo pauwi ng bahay,

Ikaw na mas pipiliin siyang kausap kaysa sa Ako na laging nandito para sa `yo

At Ikaw, Ikaw na mas mamahalin ‘Siya’

Oo, masakit pero ganito talaga

Ganito talaga kasi hindi magiging ganyan

Ang hirap pala… ang hirap palang kumilos sa mundong mayro’ng ‘Siya’

‘Siya’ na nagiging harang sa pagitan nating dalawa

Dahil kahit na kailanman, AKO at IKAW ay hindi magiging TAYO sa mundong mayro’ng SIYA.



--------------------------------------

Copyright ©2018

All Rights Reserved

Your work is your legacy.
Protect it with NAK-ID.

Free to start. Takes two minutes. Lasts forever.

Start for Free →

Free account · No credit card required

Ako at Ikaw by Remus Bloom | Launchora