#DAGLI
Sabi nila kapag may umaalis ay siya namang pagdating ng mas ‘better’
Sana nga totooo.
Sana ngayon na, kasi hindi gano’n kadali ang sakit ng iwanan ka nalang bigla.
Hindi gano’n kadali na kapag sinabi mo sa sarili mo na; okay kana. Ay okay kana nga talaga.
Kung sana lang kapag sinabi mong; “Okay lang ako” ay umayon ang puso mo.
Pero hindi, hindi nito magawang tumugma sa kung anong sinasabi ng puso mo.
Na para bang may sarili itong utak para mabago ang nasa isip mo.
Sabi nila kapag may nawawala ay may dumadating na kapalit.
Sana nga totoo,
Sana ngayon na, ang hirap kasing maging masaya kung kalungkutan naman ang nararamdaman mo sa `yong kalooban.
Ang hirap magpanggap gayong hindi naman umaayon ang lahat.`Wag naman sanang pati ang feelings mo ay paglalaruan mo, pinaglaruan na nga ito ng iba, pati ba naman ikaw?
Pero nasaan na ba ang dadating?
Kailan ba ito darating?
Sa tamang panahon? Kailan ba naging tama ang panahon?
Kailan ba naging tama ang umibig sa taong alam mong masaya na sa iba.
----------------------
©Copyright 2018
@Remus