Oo, mahal mo ako pero mas minahal mo siya.
Mabilis na umukit ang ngiti sa aking labi nang nasa tapat na ako ng bahay natin.
Oo bahay natin, kasi itong bahay na `to ang pinili nating lugar para bumuo ng pamilya.
Natatandaan ko pa `yung mga panahon na sobrang busy ko para sa paghahanda ng kasal natin.
Natatandaan ko pa `yung mga araw na sinasamahan mo akong pumili ng wedding gown na susuotin ko. At gano’n din naman ako sa `yo.
Naalala ko pa `yung unang beses nating puntahan ang lugar na `to.
Unang beses ko palang nakita ang bahay na `to ay kaagad ko ng nasabi na; Ito na. Ito na ang gusto ko at sang-ayon ka rin naman dahil gusto mo rin.
Natatandaan ko pa ang ngiti sa labi mo kasabay ng pagsabi mong magaling akong pumili.
Pero nagkakamali ka, mali ka sa bagay na `yon.
Kasi kung magaling talaga akong pumili dapat hanggang ngayon nasa akin ka
Dapat tayong dalawa ang magkasama ngayon sa bahay na tayo mismo ang pumili
Pero nasaan kana ngayon? Masaya kasama ang bago mo habang ako nandito at patuloy paring bumabalik sa lugar kung saan malabo ka ng bumalik.
Paano nga ba ang nangyari ang lahat?
Na isang buwan bago ganapin ang kasal ay may bigla nalang lumitaw na babaeng may kaugnayan sa pagkatao mo,
Nagdadalang-tao raw ito at ikaw ang ama.
Tinanong kita para kumpirmahin kung ano ang totoo at gayon na lamang ang panlambot ng mga tuhod ko ng tumango ka sa lahat ng katanungan ko.
Paanong nangyari `yon!?
Bakit kailangan mangyari `yon?
Kailan mo ako sinimulang lokohin?
Mga katanungang pumuno sa isipan ko.
Pero wala na, tapos na. Hiwalay na tayo,
Nagkahiwalay tayo dahil bukod sa magiging ama kana sa batang dinadala niya ay siya rin naman ang pinili po.
Masakit, sobrang sakit.
Natatandaan ko pa `yung sinabi mong mahal mo ako.
Oo tama ka, mahal mo nga ako pero mas minahal mo siya.
Kaya mahal, pinapalaya na kita.
©Remus