Launchorasince 2014
← Stories

Ako'y Isang Prinsesa

Ako'y isang prinsesa

Dugo ko'y bughaw

Hango sa lahi ng magigiting

Lahi ng di pasusupil

Angkan ko'y nirerespeto

Tanyag ang ngalan ko

Kultura ko'y kabigha-bighani

Ipinag mamalaki kong higit

Malugod naming tinanggap

Estrangherong anak ng araw

Akala ni ama'y mabait

Ngunit sa huli kami'y ipiniit

Hindi lang isa, dalawa, kundi tatlo

Anak ng araw, puti at singkit

Puri ko'y napunit, bayan ko'y nagapi

Maharlika pa bang maituturing?

Natatangi ba pang masasabi?

Ako ngayong dayuhang pag-aari

Parausan, pinagkakakitaan

Sa ilalim ng gulong ng kapalaran

Tila wala ng pag asa, huli na ang lahat

Lumaban kami ngunit masakit

Napaslang ang bayani kong giliw

Tagumpay nila'y hindi man isang saglit

Korona ko'y wala na

Dangal ko'y naibenta

Perlas ng Silanganan

Ako pa nga ba?