Launchorasince 2014
← Stories

Huling Araw.

Kakatwa


Sa huling pagkakataon na hahayaan ko ang sarili kong makasama ka

Yun pa yung panahon na wala akong maalala

Dahil nilunod ko ng alak at serbesa ang aking sarili

Upang walang maamin, walang masabi

Upang ang lahat ay manatiling lihim.


Na oo, sa maikling panhon ay natutunan kitang mahalin

Na oo, ikaw ang una at huling mukha sa aking isip

Na oo, alam kong walang patututunguhan ngunit

Ngunit wala akong magagagawa

Hindi ikaw ang nararapat sakin

At kailanman ay hindi ako para sayo.


Kaya't ito na lamang ang iiwan

Papaliparin sa alapaap.

Paalam.