Paulit ulit.
Akala ko wala na
Pero bakit bumabalik ka?
Sumusulyap muli
Nakikipag-usap ulit
Atensyon mong sobra kong sinusulit.
Una'y yakap lang
Hanggang mayroon ng halik
Nakagawian nati'y bumabalik.
Gamit mo'y gamit ko na ulit. Sa pagsapit ng himbing ay ikaw na naman ang katabi. Pagkaumaga'y sa tinig mo magigising. Aasa ba ako? Eto na naman tayo. Paano na ba to? Hindi ko na alam ang gagawin.
Paano ko babawiin ang mga salitang nabitawan ko? Na ayokong maging tayo dahil ayokong ika'y masaktan ko? Na ayokong dumating ang panahon na may makikilalang isa pang ikaw at gagawin sayo ang nagawa ko? Ayokong ulitin sayo ang nakaraan. Masakit na ang ulo ko kakaisip. Kakaisip sa maaaring mangyari kung lalakasan ko lang ang loob kong umamin.
Na mahal kita. Mahal na mahal at tangina alam kong may mali pa rin.