Pabagsak kong inilapag sa lamesa ang sketch paper ko at ang lapis. Wala akong maayos na drawing ngayong araw. Ni wala akong maisip na matinong art para iguhit sa blangkong pahina ng aking sketch paper.
Napabuntong hininga na lamang ako at sandaling tumulala sa kawalan. Sa ganoong pagkakataon ako biglang ginala ng imahinasyon ko, papunta sa aking nakaraan.
Umaga ng araw na `yon at nandito ako sa tapat ng bahay niyo para sunduin kita dahil may usapan tayong gala at bahala na kung saan tayo pupunta.
Agad akong nag-door bell para malaman ng katulong niyo na nandito na ako sa labas. Pinapasok din naman niya agad ako no’n at ginayang umupo sa sala niyo para sandaling akyatin ka sa k’warto mo para i-check kung gising o tulog ka paba.
Hindi rin naman nagtagal at bumaba ang katulong niyo saka sinabi sa aking; “Iho, pababa na ang alaga ko. Hintayin mo nalang sandali.”
Hindi rin naman nagtagal at bumaba kana. Suot ang isang dress na pinaresan mo ng doll shoes. Agad akong ngumiti para salubungin ka, ikaw na prinsesa ng buhay ko.
“Let’s go!”
Masiglang sabi mo sa akin. Kaya naman umalis na tayo.
Agad akong napangiti ng mapait ng maalala ko ang eksenang `yon.
____________________________________
ALL RIGHTS RESERVED
©COPYRIGHT 2017
@remus