Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Pilitin man ang sarili na hindi na muling magsulat tungkol sayo,
Wari'y lahat ng titik, at mga salitang naisusulat ng mga kamay na ito,
Ay bumabalik sa noo'y tayo.
Noo'y tayo.
Hindi ko akalaing mapagsasama ko ang dalawang salitang ito,
Ni hindi ko naisip na magkakaroon ng pangungusap na ito.
Sa unang pagkakataon, nagkasundo ang isip at puso ko.
At hindi ko mapagtanto kung bakit ngayon pa sila nagkasundo,
Kung kailan kailangang wag pansinin ng isip ko ang aking puso.
Kung kailan kailangan ng isip kong bantayan ang puso kong ngayo'y lito.
Paunti-unti.
Unti-unti'y pinipilit kong tanggapin na ang sinusulat ko ngayon,
Ay tungkol na sa noon,
Hindi na sa kasalukuyan,
At lalong hindi para sa susunod na panahon.
Subalit mahirap,masakit.
Masakit ang proseso ng pagpilit sa sariling wag ng magmahal,
Ang pagpilit na hindi na ikaw ang mahalin.
Pagka't ang puso at isip na ito'y nagkasundo,
Na matagal pa bago mawala ang ikaw sa puso ko.
30 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on September 04, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.