launchora_img

Pagbalik ng tayo sa ako

Info


Maraming beses na sinubok ibalik,

Ang pagtingin mo sa akin ngayo'y natangay na ng hangin.

Ngunit wari'y wala na talagang pag-asa,

Ang maibalik ang dati nating pagsasama.

Gusto kong maniwala na lahat ay aking ginawa,

At alam kong halos lahat akin na ring tinaya,

Para di tuluyang mapalitan ang mahal kita ng paalam na.

Sa bawat araw na lumilipas,

At sa bawat pagkakataong pilit kong itinatama ang lahat,

Ay siya ring paglakad mong papalayo,

Palayo sa akin at sa mga pangarap nating nabuo,

Ilang taong paghawak kamay sa pagtingin at pag abot sa ating mga bituin.

Napagtanto mo bang hindi ako sapat?

O kaya'y hindi ako ang nararapat?

Ang sabi mo'y hindi ako ang dahilan ng iyong paglayo,

Ngunit hindi mapigil ang patuloy na pagtatanong ng isip ko,

Na kahit pagod na ay hindi pa ring mapigil ang isipin ka.

Na kahit gustong sumigaw ay waring walang tinig na lumalabas.

Gusto kong paunti unting ibalik ang tayo sa ako,

Ako na lang at ang mga pangarap ko.

Ako na lang at ang patuloy na pagmamahal sayo.

Mahaba ang proseso pero susubukan ko.

Susubukan kong maging masaya para sayo,

Susubukan kong intindihin lahat ng mga salitang binitawan mo,

Para sayo, para hindi maging mahirap at kumplikado.

Pero sana balang araw maging masaya na ako,

Hindi na para sayo,

Pero para na sa sarili ko.


Be the first to recommend this story!
launchora_img
More stories by Art of
Bakit at Gusto

Sa pagitan ng bakit at gusto

10
Girl Thing

Pieces of brokenness

00

Stay connected to your stories

Pagbalik ng tayo sa ako

22 Launches

Part of the Poetry collection

Published on September 09, 2017

Recommended By

(0)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.