launchora_img

Bayan PagNanaginip, mga Bayani PagNainip.

Info

Kagabi nanaginip si Juan...

(Makikita ang walong lalaking nakahood, hindi kita ang mukha, na nakafreeze sa pusisyong naghuhukay ng puntod ang pito maliban sa isa sa kanila.)

(Papasok ang dalawang lalaki, ang isa ay may hawak na gitara at ang isa ay may hawak na malaking libro.)

(Aawit ang dalawa)

Sa himig ng Ang Pasko ay Sumapit:

May bangkay na pinuslit, bayani na ipinilit, habang ang nagpapuslit, martial law gustong maulit. Tayong lahat ginulat, galit nati’y sumambulat, at magmula ngayon, ay dumarami na ang lumalaban!

Narrator: ( Magbubukas ng Libro) Isang gabing tahimik! Sa malayong lugar ng Betlehem! (Bubulungan siya ng gumitara) Maling libro! Pasensya na, take two! Once upon a time, in a land far-far awaaay! And they lived happily ever after! (Bubulungan sya ulit ng gigitara na may halo ng pambabatok) Aray! Mali pa rin! Isang gabing tahimik! Sa (ilagay ang complete address ng LNMB)… dahil sa may gustong mambaluktot sa kasaysayan at nakaupong nais mag-dyos-dyosan…may pangyayaring maaari nating masaksihan…ating subaybayan….

(Papasok ang Isang Lalaking, may Hawak na maliit na bandila ng Pilipinas)

Juan DC: Hi mga Besh! Hi! Hello! Ako si Juan Dela Cruz, at isang gabi, ito ang aking naging pangaginip… Naglalakad daw ako isang gabi sa isang lugar na di pamilyar, Tumingin ako sa kaliwa, kanan, harap at likuran, Saka ko narelaize kung ako e nasaan, akalain mong dinala ako ng panaginip ko sa isang libingan. Noong una sobrang tahimik, nung sa isang banda mayron akong narinig, mga nagbubulungan sa dilim. At nung sundan ko ang tunog nakita ko sila, nakaitim. Mga hugis ng tao na nakahoodie, cool, at nag-uusap, may mga hawak na pala at parang may hinuhukay. Ang mukha nila diko man mahagilap, dahil takot ko silang lapitan, dinig na dinig ko naman kung anong pinag-uusapan.

(Gagalaw ang mga nakahoodie. Ang lima ay may hawak na pala, ang isa ay may hawak na itak, ang isa ay nakaupo, ang isa naman ay nakatayo habang may hawak na papel at nagsusulat.)

Hoodie 1: Bilisan nyo naman! Habang madilim dapat mahukay na natin to! Kapag inabot tayo ng umaga baka mahuli tayo!

Hoodie 2: Oo nga bilisan nyo! Sugod mga kapatid! (Maghuhukay gamit ang hawak na itak.)

Hoodie 1: Sugod mga kapatid ka dyan! E ikaw ang mabagal maghukay! Tsaka bakit ba itak yang pinang-huhukay mo? Di ba bingiyan kita ng pala!

Hoodie 2: Oh, odi gamitin ang pala! Bakit ba laging mainit ang ulo mo?.. (maghuhukay gamit ang pala.)

Hoodie 1: E ambagal nyo eh! Punyeta!

Hoodie 2: Huy bilisan daw natin! Hoy! Anong ginagawa mo dyan??

Hoodie 3: Sinusulat ko yung mga ginagawa natin! Para mabasa ng mga susunod pang henerasyhon! Ang pamagat, Adios Bangkay na Pinala!..o mas maganda ba kung El Palabusterismo?

Hoodie 1: Punyeta! Bilisan nyo nga!

Hoodie 2: Chill ka lang dude! Bat ba nagmamadali ka? E ano kung may makakita sa’tin? Ako di ako natatakot! Makita man tayo hindi ako atakbo! Mahuli man tayo hindi ako atakbo!

Hoodie 1: (Kay Hoodie 3) Punyeta!itigil mo na yang kasusulat mo at tumulong ka dito!

Hoodie 3: Bakit ba akong sinisigawan mo! Yung isa nga dyan nakaupo lang di mo pagalitan? (Titigilan ang isinusulat at maghuhukay)

Hoodie 4: O wala namang ganyanan, ako nagplano ng operasyon na to, ako ang utak ng hukayan! Tsaka pasensya na, lumpo nga eh..grabe sya besh. Tsaka bakit itong tatlo hindi din naghuhukay oh. (Pilit syang huhukay kahit nakaupo.)

Hoodie 1: O kayong tatlo, bakit di kayo naghuhukay? Dasal kayo ng dasal?

Hoddie 5: Mga anak, hindi ba kayo kinikilabutan sa ginagawa natin?

Hoddie 6: Kasalanan itong ginagawa natin.

Hoodie 7: Baka pag nahuli tayo, kayo din, baka igarote din kayo.

Hoodie 4: Kayo po? Hindi kayo kinikilabutan na ikinukumpara sa’tin ang ibinaon dito?!

Hoodie 5, 6, 7: (Titingala ang tatlo.) Patawarin nyo po kami ama, pero ang nakalibing dito hindi namin mapapatawad. (Magsisimulang maghukay ang tatlo.)

Hoodie 4: Dapat kasi nagsama pa tayo ng marami sa paghuhukay! Si Maccario, si Juan, si Pio! Teka, dapat sinama natin si Emilio.

(Titigil ang lahat.) All Hoodies: BWAHAHAHAHAHAHAH!

Hoodie 2: Di babangon yun, kumportable sa museleo nya. Tsaka baka mag-away pa kami nun. Katawan ko nga tsaka ng utol ko di pa mahanap dahil sakanya eh. Ewan ko lang,baka nga pag nahukay natin to katabi niya si Emilio. Nyahahaha!

Hoodie 3: Teka. Teka. Hold it! Stop in the name of love, ng madami kong lovelife! Tonio! Parang hindi lumalalim tong hinuhukay natin!

Hoodie 2: Oo nga Tonio, bakit ganun.

Hoodie 1: Sige nga sabay sabay nating hukayin!

All Hoodies liban sa isa: 800 Desaparecidos (hukay!), 35 000 tinortyur (hukay!) Lagpas tatlong libong pinaslang (hukay!), 70 000 kinulong na walang kasalanan (hukay!)!

Hoodie 3: Oo nga ha. Hindi lumalalim. WEEEEIIRRRDDDD.

(Uulit-ulitin nila ang mga katagang ito. Mapapansin natin na sa walong nakahoodie, ang isa ay iba ang ginagawa, sa tuwing naghuhukay ang iba ay ibinabalik nya ang lupa at tinatabunan uli ang hukay.)

Hoodie 8: (Kumakanta ng lyrics na, “…it’s all coming back, it’s all coming back to you now!”(with bisaya accent pati na ng “Muling ibaliiiik!” at “kaytagal nyo mang naghukay, babalik pa rin, babalik pa riiiin!” ).

Hoodie 1-7: Hoy ano ba! Nakakaloko ka ah! Sino ka ba? (Hindi sasagot ang nagbabalik ng lupa at tuloy pa rin sa pagbabalik ng lupang hinukay.)

Hoodie 2: Sino ba yan Tonio?

Hoodie 1: Sino ka ba ha!

Hoodie 8: Ako? Ako ang sagot sa lahat, ako ang may dala ng pagbabago, ako ang dapat masunod!

Hoodie 1-7: Sino ka nga!

Hoodie 8: Ako si P.Diggy.! kung kontra kayo sa ginagawa ko patayin ko kayo! Sama ko kayo sa mga human rights, human rights na yan!

Hoodie 1: Traydor!

(Uulitin ng mga naghuhukay ang sinasabi habang naghuhukay.)

Hoodies 1-7: 800 Desaparecidos, 35 000 tinortyur Lagpas tatlong libong pinaslang 70 000 kinulong na walang kasalanan Hindi bayani ang pinatalsik ng Sambayanan!

(Sa bawat pangungusap ay ibinabalik din ni P.Diggy ang nahuhukay at sinasabi ang…)

P.Diggy: 5 libong adik na nanlaban. (Hehe). Pambubully sa kumontra sa aking kautusan. Hi-ho, Hi-ho, si Marcos ay Hero! Kumontra, Giba! Habeas Corpus, Mawawala! Limang taon pa na ako ang Boss, Tagahatol, Emperador, at Diyos!

(Dalawang beses na magpapaulit-ulit ang hukay- balik – lupa na ito hanggang unti unti ay nakikitang bumibilis at napipikon na ang pitong naghuhukay at bigla silang titigil at titingin lahat kay P.Diggy.)

(Titigil sa paghuhukay si Hoodies 1-7 at titingin kay Hoodie 8.)

P.Diggy: Ano tinitingin-tingin ninyo? Putangina. Patayin ko kayo.

(Magtitinginan ang pito. Saka magtatanguan. At akmang aalis. Maiiwan ang nakaupo sa bandang likuran ni Hoodie 8.)

P.Diggy: Yan! Sige,alis! Kala ko lalaban pa kayo, wag kayo makapunta-punta sa Dabaw at baka ipa-DDS ko kayo!

(Tuloy si P.Diggy sa pag-babalik ng lupa sa hukay. Paglampas ng pito ay pipila sila sa likod ng busy na si P.Diggy at itataas ang mga pala. Magtatanggal sila ng hoodie. Sesenyas si Mabini sa daliri ng “1-2-3.” Isa-isang papaluin ng pala si P.Diggy ng pitong Bayani. Sa bawat palo ay mapapa-aray si P.Diggy. Makikipalo din si Mabini na bubuhatin ng tatlong pari. Magsusulat si Rizal ng “Huwag Tularan ng mga Susunod na Presidente” sa isang karton na nakatago sa likuran nya at ihahagis sa katawan ni P.Diggy na kahit nakahiga na ay magpapahabol pa ng huling senyas na “Heil Hitler!” Bumabangon pa sana si P.Diggy pero bibigyan sya ng “final blow” ni Mabini. Magsasign of the cross ang tatlong pari.)

(Hindi na itutuloy ng pito ang paghuhukay, isasama na lang nila si P.Diggy sa hukay.)

Hoodie 1-7: Kasaysayan na lang at Mamamayan ang magpapatunay kung sino ang tunay na bayani at kung sino ang mga taksil sa Bayan at Sambayanan. (Pumasok ang marami pang may hawak na pala. Paulit-ulit na binabanggit ang bilang at pangalan ng mga biktima ng Martial Law. Kasama na rin ang Bilang ng mga namatay sa Drug War)

Lahat: Kami ang Mamamayan Laban sa Tiraniya,

(Papalakas ng papalakas ang pagpito ng Bayan Ko. Habang pinupuno ng mga tao ang hukay.)

- WAKAS-  


Be the first to recommend this story!
launchora_img
More stories by Kelvin
BREATHE HEAVEN

its been quite a time now, since i last saw her face.

00
Ang Tulang Hindi Ko Ipababasa Sa’yo.

(The Poem I Will Not Let You Read.) A.k.a. What your best friend doesn't tell you.

01
Ang PULUBI, Ang HARI, At ang BATANG NAKAMASID.

ito ang bukas kong pinapangarap.. ito ang bukas kong ipaglalaban..."

10

Stay connected to your stories

Bayan PagNanaginip, mga Bayani PagNainip.

54 Launches

Part of the Society collection

Published on August 05, 2017

Recommended By

(0)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.