Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Araw-araw...
Kahit hindi masuklian...
Binabanggit sayong ika'y mahal na mahal.
Araw-araw...
Naghihintay... Nagbabaka sakali...
Maglalaan ka ng oras na makasama ang isang gaya ko.
Araw-araw...
Nag-iisip... Kung ano ba talaga ako sayo?
Kung dapat ko pa bang hintayin na manggaling sayo mismo ang salitang "tayo".
Gabi-gabi napapansin...
Kung bakit... Naandyan ka lang kapag may kailangan sa isang gaya ko...
Kinokontak mo lamang kapag may gusto ka gawin o puntahan na ganyan-ganito...
Hindi mawari kung nagbubulag-bulagan na lang ba talaga ako...
Ngunit hindi talaga maiwasan dahil mahal kang totoo...
Gabi-gabi nag iisip...
Na sana naman magkaroon ng sagot ang aking mga tanong... Na sana mahalin mo rin ako, gaya ng nararamdaman ko sa'yo. Na sana hindi mo lang ako hinahanap, kapag gusto mo na may makakasabay sa trip mo... Na sana hindi mapunta sa wala ang lahat ng ginagawa ko para sayo.
Gabi-gabi umiiyak...
Dahil hindi maitanggi ng puso... na nakakapagod din palang maglaan ng oras sa isang taong kahit kailan hindi ka kayang tanggapin... hindi ka kayang MAHALIN. Na masarap ka lang kausap... masarap kasama... pero hindi ikaw ang pangarap niya.
Kokontakin pag Sabado... "Tara labas tayo.. Libre mo ako." Pagkatapos nun mahal... Magbibilang ulit ako ng mga araw o linggo bago ko ulit makita sa phone ko ang mensahe na mula sa'yo...
Matapos ang isang gala... dahil sa sobrang tuwa... mabibitawan ko na naman ang mga katagang... "Mahal kita. Mahal na mahal."
Ngunit palagi kang iiwas at sasabihing, "Yan ka na naman. Aasa. Di ba napag-usapan natin yan. Umuwi ka na. Salamat sa oras. Ingat ka."
Ayoko na. Ngunit ayaw tumigil ng puso ko...
Nagmamakaawa. Ayoko na ng pakiramdam na ito... Ayoko na ng hapdi sa dibdib ko.
Gusto ko nang makalimot. San ba ako magsisimula? Paano ba ako magsisimula?
Tulungan mo ako o aking giliw...
Ayoko ng maging iyong dakilang panandaliang aliw...
<\3
Fear and timing. Hindrance to happiness. To acquire the love your hoping in the end.
10"Myself, always remember that you are enough and worthy to be loved. Always remember your value."
5077 Launches
Part of the Love collection
Updated on May 05, 2017
(3)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.