launchora_img

Getting Back

Info

Chapter 1

Abala si Venice sa pag-aasikaso sa kasal ng anak ng kanyang ninong, ang bestfriend ng Daddy niya. Isa siya sa mga kilalang wedding planner sa Pilipinas atsiya ang napiling maging wedding planner ni Cindy, isa sa sikat na model sa New York aat ang kanyang mapapangasawa ay ang multi-awarded na aktor sa Pilipinas na si Matthew Perez.

Marami pa ang preparation na gagawin ng team ni Venice lalo na at hinahabol nila ang oras. Isang buwan nalang at mangyayari na ang isa sa mga inaabangang kasal sa mundo ng showbiz at modeling. Pressure sa part ni Venice dahil mataas ang expectation ng Ninong niya sa kanya at higit na mataas ang expectation ng mga taong dadalo sa kasal.

"Ma'am pwede na po bang umuwi? Kasi po birthday ngayon ng Mama ko, may konting salu-salo po sa bahay." paalam ng kanyang assistant na si Ara.

"Sige mauna ka na Ara, tatapusin ko lang ang pag-oorganize ng schedule ko. Please be early tomorrow, pupunta dito si Cindy at si Matthew." sabi ni Ara habang busy pa rin sa kakasulat sa kanyang planner.

"Salamat Ma'am. Ingat po kayo mamaya. Magboyfriend na po kasi kayo Ma'am para naman may tagasundo kayo." panunukso ni Ara sa kanya bago siya lumabas ng opisina ni Venice.

Napatawa nalang si Venice sa huling sinabi ni Ara. Wala pa rin sa isip niya ang pumasok sa isang relasyon.  Hindi niya muna iniisip ang mga ganoong bagay lalo na at halos lahat ng oras niya ay sa trabaho lang napupunta.

May mga kaibigan rin naman siyang nandyan para sumundo sa kanya kapag may oras sila pero minsan nahihiya siyang gambalain ang mga ito dahil may kanya-kanya rin itong pinagkakaabalahan.

Halos limang taon na ang nakalipas magmula nang siya ay pumasok sa isang relasyon. Isang pangyayari sa kanyang buhay na lubos niyang pinagsisihan dahil hindi niya inaasahang ganoon pala kasakit ang kanyang mararamdaman.

Laking pasalamat niya at sa trabaho niya pumupunta ang lahat ng oras niya. Ito ang naging dahilan para makalimutan niya ang lalaking iniwan siya sa ere ng walang dahilan at nagbigay ng isang masakit na sugat sa kanyang puso na hanggang ngayon ay nag-iwan pa rin ng marka.

Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang tumunog ang kanyang cellphone. Kinukulit na naman siya ng kanyang mga kaibigan na sumama sa kanila sa isang bagong bukas na bar na pag-aari ng girlfriend ni James, isa sa mga barkada niya na may lahing playboy.

Binasa niya lang ang mga text ng kanyang mga kaibigan. Wala siyang planong replyan ang mga ito dahil nakatutok siya kanyang tambak na trabaho. 

Ilang minuto pa lang ang nakalipas at tumunog na naman ito, tawag na mula kay Yassi, ang bestfriend niya na isa na ring sikat na model sa bansa.

"What?" bored niyang bungad sa kanyang kausap.

"Please Ven, just tonight. Sama ka na sa amin. Last week nung lumabas kami wala ka rin." sagot naman ni Yassi sa kanya na may halong pagmamakaawa at pangongonsensya.

"Yas, you know I'm busy." maikling sagot naman niya dito.

"You're always busy. Sige na nga lang hindi na kita pipilitin. Mainggit ka nalang sa mga pictures namin pagmakita mo." hindi na hinintay pa ni yassi an sumagot si Venice at ibinaba na nito ang cellphone.

Nagtampo na naman sa kanya ang bestfriend niya. Nakokonsensya rin siya dahil last time na niyaya siyang lumabas ng barkada, ang trabaho na naman nito ang kanyang excuse. She has deadline to meet kaya mas inuuna niya ngayon ang trabaho kesa sa pagpaparty kasama ang mga kaibigan niya.

Tumigil muna siya sandali sa ginagawa niya para ipahinga ang kanyang mga kamay. Nakaramdam na rin siya ng gutom dahil hindi siya nakapaglunch kanina. Pumapayat na siya dahil sa ginagawa niya.

Tiningnan niya ang orasan sa table niya at masyado na palang late para sa dinner niya. Then she heard a knock from the door. Nagtataka siya kung sino ang nasa labas ng opisina niya ng ganitong oras. Without hesitation, she walks toward the door para pagbuksan ang taong kumatok.

"Surprise!" sigaw ng barkada niya.

"What are you doing here?" gulat na tanong ni Venice.

"We're here to pick you up." sagot ni Andrew sabay upo sa couch.

"Pick me up? Diba sabi ko sayo Yassi hindi ako pwede dahil nga busy ako." sabi naman ni Venice sabay baling kay Yassi. 

"Your excuse is unacceptable Ven. So, let's go." sabi ni Gabriel sabay hila kay Venice.

"Wait, my things." pagpigil ni Venice kay Gabriel at Jake na hinihila siya palabas ng pinto.

"I got it!" sigaw naman ni Kisha sabay wagayway ng bag ni Venice.

Wala nang nagawa si Venice kundi ang sumama nalang  sa mga kaibigan niya. Sila ang tipo ng mga kaibigang gagawa ng paraan para hidni siya mapag-iwanan. Kung last time naka iwas siya sa kanilang pangungulit, ngayon hindi na.

"I have my car." sabi ni venice nang mahalata niyang sa sasakyan ni Gabriel siya isasakay.

"Ipapakuha lang namin bukas at iuuwi sa bahay mo. Baka kasi takasan mo kami eh." sagot naman sa kanya ni Gabriel sabay bukas ng pinto sa passenger's seat.

She left with no other choice. Sumakay nalang siya at hindi na komontra pa sa mga kaibigan niya. Lahat sila ay may dalang sasakyan papunta sa bar, except her na kay Gabriel sumakay. Hindi nila kasama si James dahil nagpaiwan daw ito sa bar ng girlfriend niya.

"Ilang weeks na bang mag-on si James at ang girl na yon?" pag-uusisa ni Venice.

"More than 1 week palang. You know our friend, matinik pa yun sa akin eh." natatawang sagot ni Gabriel.

"Ewan ko sa inyo. magbago na nga kayo. Masakit mapaglaruan. Hindi niyo kasi alam ang nararamdaman namin." nakatanaw sa labas si Venice habang nagsasalita.

"Ven, kung yang hugot mo eh patama na naman sa isang taong kilala nating lahat, wag mo nang ituloy pa. Hindi ka naman maririnig nun." makahulugang baling naman sa kanya ni Gabriel.

Tumahimik na lang si Venice dahil ayaw niyang humaba pa ang kanilang pag-uusap kung tungkol lang naman sa nakaraan niya ang kanilang pag-uusapan.

Tumigil na ang sasakyan ni Gabriel at napatingin si Venice sa labas. Nakarating na pala sila sa bar na pinagmamalaki ni James sa barkada. Pinagbuksan siya ng pinto ni Gabriel. Agad naman siyang sumunod sa loob dahil nauna na ang iba sila nalang pala ni Gabriel ang nasa labas.

"Welcome Ven! Ayos dito diba?" salubong sa kanya ni James sabay beso dito.

"You know me, I have the same impression when it comes to places like this, still it's a noisy place." sagot naman sa kanya ni Venice.

"Okay fine. By the way, this is my girlfriend, Trixie." pagpapakilala ni James sa kanyang babaeng kasama.

"Hi." tipid na bati ni Venice. 

Hindi siya masyadong socialize sa mga girlfriend ng barkadang lalaki dahil alam naman niyang hindi rin ito tatagal. Sooner or later tatawag na naman ang kaibigan niya at mag-aaya ng inuman dahil kakabreak lang.

Nakaupo sila sa couch for VIP na si James mismo ang nagpareserve. She's not into alcoholic drinks kaya may juice na specially served para sa kanya. She'll be with her friends until midnight at makikinig lang naman siya sa mga pang-iinsulto ng mga ito sa mga katrabaho nila o di kaya mga ex lovers nila.

Everybody is enjoying the type of music that the DJ is playing. Lahat sila ay nakikisabay sa mga kanta lalo na at parang sa kapanahunan nila ang mga kantang pinapatugtog. Hindi pa sumasayaw sa dance floor ang mga kaibigan niya dahil wala pang mga tama ang mga ito at hindi pa nauubos ang kanilang pinag-uusapan.

"Late na ba ako?"

Napatigil sa pagtatawanan ang lahat nang may lalaking sumulpot sa kanilang harapan. She knows who own that voice. At hindi nga siya nagkamali nang tingnan niya ito.

Ang lalaking kinalimutan na niya ng halos limang taon ay bigla nalang susulpot sa harapan nila. Ang lalaking iniwan siya sa ere nang walang dahilan ay bigla nalang magpapakita. Ang lalaking nagbigay ng sugat sa kanyang puso at nag-iwan ng masakit na markang hanggang ngayo ay hindi pa rin nawawala.


Be the first to recommend this story!
launchora_img
More stories by Trisha Jones
Not that Girl anymore

I am not your girl anymore.

00
Taking the risk again

Second chancs.

21
Getting Back

Prologue of Getting back. Chapter 1 will be next

00

Stay connected to your stories

Getting Back

33 Launches

Part of the Love collection

Updated on April 30, 2017

Recommended By

(0)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.