launchora_img

Hahanapin ko ang mga letrang bubuo sa salitang tayo

Info


Mahal
Salitang gusto kong sabihin sa iyo
Salitang gusto kong mapatunayan sa harapan mo
Ngunit sa bawat pagkakataong sasambitin ko
Natatameme at natutuliro
Na parang sirang makinang hindi na makausad
Gustong gusto kong sabihin sa iyo
Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawa
Kasi pakiramdam ko hindi pa
Hanggat di ako sigurado
Wag na muna
Pumapasok sa aking isipan ang isang katanungan
Mga salitang pag aalinlangan at walang kasiguraduhan
Talaga nga bang pagmamahal ang nararamdaman
O isang pandaliang tamis lamang ng pagsasamahan
Hindi ko mawari kung alin sa dalawa
Kahit na sinisigaw na ng puso ko na mahal kita
Patawad kasi pakiramdam ko hindi pa
Sabihin na nating maaring duwag ako
Na ang rason ko ay napakalabo
Ngunit paano ko nga ba maipapaliwanag ang nararamdaman
Paano ko nga ba masasabi na para sayo kaya ako naninigurado
Ang gusto ko lang naman ay mapatunayang ang pagmamahal kong itoy pangwalang hanggan
Oo, nais ko mang tawaging pagmamahal na nga ito
Ngunit di ko maalis ang takot dito sa puso ko
Takot na baka mabigo kita
Takot na baka masaktan ko ang puso mo o aking sinta
Siguro nga duwag ako
Duwag na ipakita ang pagmamahal na ikinukulong ko sa mga salita
Mga salitang hindi ko malagyan ng kahulugan
Kaya heto ako at tila naguguluhan

Patawad
Patawad kung hindi pa ako sigurado
Patawad kung naging paasa ako
Marahil mahal kita, marahil hindi pa.
Pero isa lang ang sigurado.
Sa akin ikaw ay mahalaga.

Kaya kung maaari ay hayaan mong hanapin ko
Ang mga tamang letrang bubuo ng nararamdaman ko sayo
Upang sa panahon na mahanap ko na
Sa panahong mabuo ko na ang mga buhol buhol na letra
Sa oras na mahanap ko ang tamang salita
Baka sakali
Baka sakali
Siguro
Panigurado
Masasabi ko na sa iyo,
Na ikaw lang at walang iba ang Mahal ko.
Ngunit isang tanong lang ang nagbibigay ng takot sa akin.
Tanong na hindi ko mabigyan ng kasagutan.
Isang tanong.
Sa oras ba na mahanap ko na. Nandyan ka pa kaya at naghihintay o aking sinta?


4 Launchers recommend this story
launchora_img
launchora_imgLorie Mae
6 years ago
There are certain emotions and feels through this piece that the english language cannot portray! wow
launchora_imgAlkylogy .
6 years ago
wow. Thank you! I really put all my emotions when I wrote this piece.
More stories by Alkylogy
She's every bits of my pieces

She's every bits of my pieces although she's not mine. #Poetry #Love #Free #Letgo #Art

01
Tinted Heart

I gave you my world, you gave me your tinted word #ColorofLove #Poetry #Life #Art #Promises #BW

01
SA INDAYOG NG HULING RITMO

Sa indayog ng huling ritmo, ang ikaw sa isip ko'y unti-unting naglalaho.

00

Stay connected to your stories

Hahanapin ko ang mga letrang bubuo sa salitang tayo

110 Launches

Part of the Poetry collection

Updated on July 04, 2017

Recommended By

(4)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.