Are you sure you want to report this content?
"Kumusta na aking matalik na kaibigan? Parang masaya ka na sa piling niya ha, ayieeeee ganda ng ngiti mo. Kayo na ba?"
Yan ang mga salitang sinabi ko nung tayo'y nagkita muli,
Ang sakit isipin na may mahal ka ng iba,
Di mo lang ba ako binigyan ng ikalawang chansa?
Para sabihin sayo na natuto na ako,
Natuto na mahalin ka!
Kaibigan... Oo, isa tayong malapit at matalik na kaibigan. "BESTFRIEND" nga ang tawag nila.
Ikaw yung palaging nandyan sa tuwing may problema ako,
Sa tuwing umiiyak ako,
Sa tuwing nalulungkot ako,
Sa tuwing maysakit ako.
Pero biglang nagbago,
Nang sinabi mo na mahal mo na ako.
Hindi isang matalik kaibigan,
Kundi mas higit pa niyan.
Ako'y nabigla sa sinabi mo,
Dahil sa pagkaalam ko ay hanggang kaibigan lang talaga tayo,
Pero dahil sa sakit na di mo matanggap,
Ay lumayo ka at ako'y nag hanap-hanap.
Mga ilang araw ay di ka padin nagparamdam,
Miss na kita aking kaibigan,
Lagi kong tinitignan yung mga larawan natin na puno ng iba't-ibang emosyon,
Mga larawang naalala ko sa mga oras na yun.
Luha'y pumapatak sa aking mata,
Unan ko'y aking niyakap.
Mga musikang paborito,
Ay pinagtugtug ko.
Isang mensahe aking natanggap,
Ako'y napangiti na galing pala sayo,
Agad kong binuksan,
At maya-maya ay bigla akong umiyak,
Dahil nabasa kong meron ka ng kabiyak.
Dati pa ay nahulog na ako,
Pero dahil sa katangahan ko ay binabalewala ko,
Dahil maraming tanong ang di ko masagot,
At ako'y natatakot.
Kaibigan, may kasama ka na,
Kaibigan, may mahal ka na at mahal pa din kita,
Kaibigan, huli na ba?
Na sabihin sayo na mahal kita noon pa.
Pero kailangan kong tanggapin na HANGGANG KAIBIGAN nalang tayo sa isa't-isa.
-NexusKarma
56 Launches
Part of the Happenings collection
Updated on August 21, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.