Launchorasince 2014
← Stories

Hiling

Naiinip na ko sa paghihintay
Ng 'yong reply na kay tagal.
Hindi ko naman kasi alam
Meron kang ibang kakwentuhan.
Ano ba ang dapat na gawin?
Kailangan pa ba kitang suyuin,
O' akin na lang titiisin?

Siguro nga ganyan ka talaga.
Wala naman kasing tayo,diba?
Kaya bakit at para saan pa?
Habang busy ka sa iba,
Heto ako't nakatulala
Iniisip kung okay ka lang ba.
At oo,  namimiss kita.

Lakas loob,  sayo'y sinambit na,
"Pwede ba kitang makasama?,
Kahit saglit lang ay sapat na.
Gusto ko lang kasi sayo ipadama,
Sabihin o kaya'y ipakita,
Kung gaano ako kasaya,
Sa twing napapangiti kita.

Sana dumating ang panahon,
Ang tadhana saki'y maki-ayon.
Pagbigyan ako sa aking hiling,
Ikaw o' sinta'y makapiling.
Sa ilalim ng punong malilim,
Habang sa balikat mo'y nakahilig,
Hawak kamay at naiidlip.