Launchorasince 2014
← Stories

Nanlalamig

Tag-init naman pero bakit ang lamig mo?
Magkalapit lang naman tayo,
Pero bakit parang ang layo mo?
Gabi-gabi ito ang tanong ng isip ko.

Naguguluhan na ko,  mahal mo pa kaya ako?
Sinasabi mo naman lagi ay "oo".
Pero bakit iba yata ang nararamdaman ko?
Hindi ko na to makita sa mga kilos mo.

Pwede ba huwag mo ng pilitin?
Kung awa lang naman,  pwede bang aminin?
Kesa hihintayin mong ako'y sumuko na lang.
Habang pinapatagal,  ako'y mas nasasaktan.

Iisantabi ang iisipin sayo ng iba.
Kung ayaw mo na, sabihin ng maaga.
Maglakas-loob ka naman, pwede ba?
Kesa hahayaan mo lang akong umasa.

Ayoko manumbat,  pero ito ang totoo.
Ginawa ko lahat ng dapat parte ko,
Kaya hindi yung "tayo" ang malabo,
Kundi ikaw at ang laman ng iyong puso.