Are you sure you want to report this content?
Ayun nga hinayaan ko lang naman talaga,
ang isang katulad mong inakalang anghel na
pekein ang mga salitang "mahal kita."
napaniwala sa mga sinabi mong "di ko kayang mawala ka"
hinayaan kita
hinayaan kong kompletuhin mo ang mundo ko,
kaya nga sayo na lang din umikot ito.
kaya nalang pag-alis mo sabay din itong gumuho
nasira lahat kasabay mong naglaho.
na parang bula, pero ayun nga hinayaan nga kasi kita.
hinayaang gawin mo akong tanga,
kasi nga nagmamahal tayo eh, sino ba namang hindi diba?
sino ba namang aakalaing demonyo ka,
kung ang mga matang yan na buong akala ko sa akin na,
puro pala kasinungalingang alam ko na!
pero oo na, sige na, alam kong hinayaan parin kita.
sa bawat luha mong inakala kong totoo,
tuwing hinahawakan mo ang mga kamay ko
ang mga halik mo sa aking noo, na buong akala ko
ay may pinaggalingang puso, pero gago!
kahit anong bulagbulagan ang gawin ko,
diko pa kasi tinanggap nung una
alam ko na naman talaga eh
hinayan lang kasi kita.
masisise mo ba naman akong si tanga?
di naman kasalanan magmahal diba?
masama bang pangarapin na mayakap ka?
pinaniwalaan kita, sobra sobra pa.
na kahit alam kong tagilid na, kahit noon pa sa umpisa
pinili kong mahalin ka kaya hinayaan nalang kita.
kaya hayun! nagmahal ako ng isang bagyong
pinaniwalaan kong masisikatan din ng araw,
pero akala ko lang pala,
hindi ako yumakap ng sobrang higpit kasi baka masakal ka, pero
kung alam ko lang na kahit pala di kita yakapin mangiiwan at mangiiwan ka parin pala,
pero siyempre hayun at wala akong nagawa kundi hayaan ka.
hinayan kong maging malaking parte ka ng buhay ko,
kaya nung nawala ka , nawala narin ako.
kaya nung lumisan ka, ginusto kong lisanin nalang ang mundo,
kaya nung nanakit ka, hinanap hanap ko pa yung pananakit mo
kaya nung nakalimot ka na, lalong natandaan ko
ang amoy ng presensya mo
kahit na niloloko moko
pinilit kong saluhin ang mga problema mo
kahit na sumusuko kana,
pinilit kong lumaban kaya ang lumaban na lang ang natira
sa akin na minahal ka sa abot ng aking makakaya
pero ayun pala hinayaan mo nalang kasi ako kaya hinayaan nalang din kita
hinyaang maging laman ng aking mga tula.
hinyaang basag , hinayaang walang bura
61 Launches
Part of the Love collection
Updated on August 05, 2017
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.