Are you sure you want to report this content?
Isang araw, nakakita ako ng libro. Kinuha ko ito at binasa hindi dahil sa gusto ko o interesante ako kundi, dahil sa wala akong magawa noong oras na iyon. Unang pahina naglalaman ng isang sulat, sulat mula sa awtor at para sa taong naging dahilan kung bakit nalikha ang librong iyon. Habang tumatagal, nagustuhan ko na ang binabasa ko, ang nilalaman nito at ang senseridad ng may akda sa bawat salitang kanyang ginamit. Pakiramdam ko para sa akin ang iyong librong iyon, librong naisulat at nalimbag para mabasa ko.
Pagkatapos kong basahin, naghanap ako ng lapis at papel, sabi ko sa sarili ko, gusto ko ring magsulat ng kwento. Gusto ko ring gumawa ng mga istorya para sa mga mambabasa. Gusto ko ring makalimbag ng libro para sa mga taong libro ang unang takbuhan kapag sila'y walang magawa.
Hawak ang lapis at sa harap ko ay ang isang pirasong papel na pinilas ko mula sa aking kwadernong pang-akademiko. Nag-isip ako kung ano ang isusulat. Unang dalawang salitang aking naisip, isang araw. Ngunit pagkatapos mailathala ang dalawang letrang iyon, wala ng sumunod pa.
Nais kong magsulat, nais kong magkwento, nais kong maging katulad ng awtor sa librong nabasa ko. Mayroon na akong lapis at papel, nagagawa ko namang sumulat, nakakapag-isip naman ako gamit ang aking utak. Ngunit bakit ganoon? Wala akong maisulat? Nag-isip pa akong muli ng ilang minuto...
Hanggang sa, oo nga pala, hindi ako katulad ng may akda ng libro na sumulat ng istorya para sa taong mahal niya, wala akong ganoong dedikasyon na gawin iyon, oo nga pala, kahit mayroon akong mga katangian na katulad ng isang manunulat, hindi ko alam kung paano simulan at tapusin ang isang kwento, oo nga pala kahit na alam ko kung paano sumulat, hindi ko alam kung paano ilathala ang bawat detalyeng nasa isip ko. Gusto kong maging manunulat, ngunit hindi ko alam kung paano.
Binitawan ko ang hawak na lapis, pinunit ang isang pirasong papel. Naghanap ng ilan pang libro na aking babasahin. Naging isa akong masusing mambabasa. Hanggang sa ang pagbabasa ay hindi na lamang libangin sa tuwing ako'y walang magawa. Minahal ko ang bawat kwentong aking nababasa, nakilala ko ang iba't-ibang tao sa pamamagitan lamang ng mga librong iyon, dinala ako ng mga awtor sa iba't-ibang lugar. Sa pangalawang pagkakataon, kumuha ulit ako ng lapis at papel, nagsimulang magsulat ng kung anu-ano, mga bagay at salitang unang pumasok sa isipan ko. Walang maayos na daloy ng kwento, walang mga karakter, walang simula at wala ring katapusan. Unti-unti natuto akong gumawa ng istorya, hindi man katulad ng mga istroyang nabasa ko sa mga libro, ang mahalaga ay nagawa ko ng sumulat.
Isang araw nakakita ulit ako ng libro, kinuha ko ito at binasa. Sa unang pahina, dalawang salita na una kong nailathala.
24 Launches
Part of the Life collection
Published on August 10, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.