Are you sure you want to report this content?
"Anne. Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Drew.
Nakatitig ako sa kanya habang nakaupo sa sulok ng cr sa school namin.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, dahil ba nakita ko na hinalikan siya ni Steph sa locker room o dahil nagpapakatanga ako at umaasa, sa bestfriend ko.
"Drew. H-hindi..ko... a-alam.."
"Umiiyak ka Anne, hindi pwedeng hindi mo alam." Sabi niya at nilagay ang buhok ko sa likod ng tenga ko.
"Nalulungkot ako."
"Bakit?"
"Kasi, alam kong kahit kailan hindi ka magiging akin, na kahit kailan hindi mo ako magugustuhan." Hinalikan ko siya habang may luha sa mga mata ko. Pagkasabi ko non, naging blangko ang lahat.
###
Nagising ako dahil sa lakas ng hangin na tumatama sa mukha ko.
Panaginip lang pala ang lahat?
Nakakalungkot man isipin na kahit sa panaginip, hindi siya magiging sakin. Nakakalungkot lang isipin kasi kahit sa panaginip, hindi niya parin ako pipiliin.
Bumangon ako at pumunta sa rooftop nang building na ito.
Gabi na at malakas ang hangin. Mabango ang simoy ng hangin.
Umupo ako sa bench at nakatitig ngayon sa mga building ng school namin. Tanaw dito sa rooftop ang mga sasakyan.
Napa ayos ako ng upo at nakita ang ganda ng pagsasama ng bituin at ulap.
"Ayos ka na pala."
Bigla ako napatingala ng makita ang isang anino ng lalaki. Nakatalikod ito sa inuupuan ko ngayon.
Ikinagulat ko na nakita kong si Drew ito at naglalakad na siya patungo sa inuupuan ko ngayon.
"Umiiyak ka kanina ng alas dos ng tanghali sa cr. Hinimatay ka at bago ka mawalan ng malay.."
Hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil natawa siya.
"Ano yun? Bakit?"
Tumawa siya at pinalo ko siya ng malakas.
"ARAY!"
"Sabihin mo na!"
Nilapit niya ang mukha niya sakin at hinalikan ako.
"Ginawa mo yan sakin kanina."
...
"Aray ano ba yun!" Sabi niya at matawa tawa pa.
"BAKIT MO GINAWA ULIT??"
"Baka lang gusto mo ulit maramdaman ang halik ko."
Lalayo sana ako ng pigilan niya ko.
"Umiiyak ka nanaman.."
Pagkasabi niya nun ay umayos siya ng tayo.
"Wag mo ko paasahin. Alam kong gusto mo si Steph. Gusto ka din niya."
"Sinasabi mo jan?"
"Nakita ko kayo. Nag..hahalikan.."
"Pinagseselos niya lang yung ex niya."
"At ok lang sayo?" Pagkasabi ko nun ay ngumiti siya ng nakakaloko.
Hinalikan niya ko ulit.
"Ano ba nakakadami ka na ah!"
"Ikaw nagsimula niyan.." sabi niya.
"Hindi ko sinasadya yon. Nadala lang ako ng damdamin ko." Pagpapaliwanag ko.
"Same with me."
"HINDI YUN SAME KASI YUNG SAYO DALAWANG BESES!" Sabi ko.
"Nadala lang ako ng damdamin ko. Gusto ko kasi sabihin matagal na na mahal ko ang bestfriend kong si Anne."
Natahimik ako sa sinabi niya.
"Anne, matagal na din kitang gusto. Pumayag ako pagselosin ni Steph ang ex niya dahil pwedeng ikaw din magselos. Tagumpay nga ang plano." Sabi niya at ngumiti sakin.
"Drew naman."
"At kanina, nang sinabi mo na gusto mo ko at hinalikan mo ako, ginusto ko rin yon Anne. Kasi hindi lang kita gusto Anne. Mahal na kita. Gusto ko sabihin sa buong mundo na ikaw ang girl best friend ko."
"Drew..."
"Wala na akong hihilingin pa dahil alam kong magiging masaya tayo. Naniniwala kasi ako sa kasabihan best relationship starts with a good friendship."
Wala na akong masabi dahil sa haba ng speech niya.
"I love you, Anne. You're more than my bestfriend, you can always be my girl, my girlfriend."
"I love you too, Drew."
-end-
Etong storya na ito ay tungkol sa one sided love. Pero, madaming namamatay sa maling akala...
23120 Launches
Part of the Confessions collection
Updated on May 12, 2020
(2)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.