Launchorasince 2014
← Stories

Justine

Hindi tayo okay. Noon pa lang, ramdam ko na na hindi tayo okay. I guess pareho tayong nagpretend na walang problema..? Kasi pareho tayong ayaw na gumawa ng gulo..? Pero anyare ngayon? Hahaha. Mas sira pa tayo kesa sa tiyan ng orgmate natin’g may masamang nakain.

Hindi ko naman dinedeny na may kasalanan ako. In fact, inaamin ko nga na dahil sakin kaya tayo ganto. Kung hindi sana ako nainggit. Kung hindi sana ako naging papansin. Kung nanahimik nalang sana ako. Sana hindi ko nalang vinoice out that day lahat ng issues ko sayo. Inaamin ko yung mali ko. Pinagsisihan ko na yun. Nagsisisi ako nasaktan kita. Sinubukan ko pa ngang bumawi diba?

Alam ko namang may mali ako pero bakit kailangan mo lagi ipamukha? Bakit kailangan sakin lagi yung balik ng sisi sa tuwing nagkakaproblema tayo? Sabi mo napatawad mo na ko. Akala ko napatawad mo na ko. Sabi mo wala na yun. Pero bakit ganun? Haha

Kasi sa totoo lang, nasasaktan ako. Sa lahat kasi, ikaw yung pinaka akala kong makakaintindi. Ikaw na mismo nagsabi na pareho tayong diagnosed with depression kaya akala ko ikaw yung pinaka makakatulong. Akala ko tayo yung magtutulungan sa tuwing nati-trigger tayo. Haha bakit ngayon..?

Pero syempre, diba kailangan rin natin tulungan sarili natin every now and then. Bakit bigla nalang ako naging selfish nung sinubukan ko iprioritize needs ko? Haha. Never ka naman naging selfish sa paningin ko eh. Yung mga times na gusto mo mapag-isa, mawala, yung mga pino-point out mo yung mga wala ka and how you wanted things na people like me can’t even afford to dream. I never considered you selfish. Pareho lang nating tinutulungan sarili natin. Siguro magkaiba lang ng approach pero still. Haha. Ang unfair. Hypocrite na ba talaga ako? Selfish? Toxic, siguro, pero kaya ko nga kayo minsan tinutulak palayo eh kasi ayoko nahahassle kayo sa “mess” ko haha.

Anyway, hindi na ko galit sa mga sinabi mo. Masakit pa rin pero di na ko galit. Kahit kailan naman ata hindi ako nagalit ng matagal sayo. Pasumpong-sumpong lang, siguro. Pero hindi galit as in yung pangmatagalang galit to the point na ididisregard ko na lahat ng pinagsamahan natin hahaha. Hindi ko kaya magalit ng matagal kasi kahit ganto tayo ngayon, kapatid pa rin tingin ko sayo. Hindi ako masaya pag wala ka sa grupo. Hindi ako nagsisisi na pinasok kita sa grupo kaya wag mo sana iisipin yun. Kasi masaya ako nakasama kita sumayaw kahit saglit lang. Hindi man tayo nagcollab, atleast diba may memories tayo sa mga performances hahaha.

Ngayong aalis na ko, sayo ko muna iiwan yung grupo ah? Para toxic-free muna yung grupo lol. Galingan niyo ang goodluck sa compets! :) I'll be rooting for you guys, supporting you on the sideline 'cause hey, you can do good without me :)


Para kay JMC