Are you sure you want to report this content?
Naaalala ko noong una kong narinig iyong pangalan
Parang siyang musikang matagal ko ng hinihiling pakinggan
Parang nawawalang parte ng nota sa himig ng aking kinakanta
Naaalala ko noong una tayong nagkita, isang matamis na ngiti ibinugad mo sa akin
Isang matamis na ngiti na nagbigay buhay sa akin
Isang buhay na hindi ko inasam kaya't heto ako, nagdadasal na sana'y maging akin
Mukhang malakas ako sa kanya kaya't diniggin niya ang aking panalangin
Hawak hawak ang iyong kamay at nagpapasalamat sa langit
Ngumiti't napaisip kung ito'y panaginip
Mali pala ako, hindi ito pantasya kundi isang bangunguot
Na kahit anong gawin mong gising hindi ka makakalimot
Hindi mo hahanapin ang sagot kundi mababalot ka na lamang ng poot
Masakit pala mahulog sa bitag ng kahapon
Di mo alam kung san patungo, di mo alam kung sinong tutulong
Kailangan mong bumangon, harapin ang hamon
At ngayon masaya ako, masayang masaya ako
Dahil ikaw na siyang nagbigay kulay sa aking mundo at siyang ring gumiba nito,
ay masasabi kong isang parte nalang ng aking masalimuot na KAHAPON
~FIN~
27 Launches
Part of the Love collection
Published on January 24, 2017
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.