launchora_img

Makasalanang Kamay

Info

Napatuwid siya ng upo nang bumukas ang pinto at pumasok ang doktor. Naglakad ito papunta sa likod mg mesa at umupo saka humarap sa lalaki. Hawak-hawak niya ang isang folder, mukhang resulta ng eksaminasyon ang laman niyon.


"Mr. Dillente, tama?" Napatango nalang ang binata.


"Base sa nakuha naming resulta mula sa eksaminasyon, negatibo at wala namang deperensya ang iyong kamay."


"P-pero doc! Wala na bang ibang paraan upang malaman ko kung bakit nagkaganito ang kamay ko? Isa pang eksaminasyon? Iba pang eksaminasyon? Baka naman mali ang resul--" Halo-halong emosyon at mga tanong ang nasa isip niya ngayon. Marami pa sana siyang sasabihin ngunit pinutol na siya ng doktor sa pagsasalita.


"Patawad pero wala talagang pisikal na rason kung bakit hindi mo minsan macontrol ang kamay mo. Ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya."


"Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Nung nakaraan lang ay mutikan ko nang mapatay ang kapit-bahay ko! Nagulat ako pero buti ay naagapan ko ang nangyari at hindi siya natuluyan. Hindi ko alam kung bakit at kung anong pumasok sa isip pero alam kong hindi ako yun.. ang mga kamay ko. Sila ang gumawa nun!" kwento niya sa doktor.


Saglit na napatahimik ang doktor habang malalim na nag-iisip. Nanatili silang tahimik sa loob ng opisina na iyon ng ilang minuto. Habang ang binata naman ay pinapakalma ang sarili at itinatago ang di mapakaling mga kamay. Hanggang sa binasag na ng doktor ang katahimikan at nagsalita.


"May kakilala ako na makakatulong sa iyo. Maaari kitang mai-refer sa isang psychologist." Sabi pa niya. Naguluhan ang binata at labis na hindi makapaniwala sa sinabi ng doktor.


"Doc, hindi ko kailangan ng therapy na yan! Kailangan ko ng kasagutan! Ang mga kamay ko, parang.. parang may sarili silang buhay." Sabi ni binata.


Alam niyang hindi siya nababaliw at nagdedelusyon di gaya ng sinasabi ng doktor sa kanya. Ngunit sinubukan niya pa rin ang payo ng doktor sa kanya.


Dumaan ang dalawang linggo ay parang walang pagbabagong nangyayari sa kanya. Patuloy pa rin ang makasalanang kamay niya sa paggawa ng kasamaan. Sa kabila ng lahat ng kanyang pagsisikap upang mapabuti ang kalagayan, wala pa ring kasagutan sa mga katanungan niya kaya't umabot na sa puntong nawawalan na siya ng pag-asa.


Nang gabing iyon ay napaupo nalang siya sa upuan sa kwarto niya sa sobrang kalasingan. Bigong-bigo na siya at napupuyos na sa galit sabayan pa ng hilo at sakit ng ulo gawa ng tama ng alak. Napatitig nalang sa sarili niyang kamay at kinuyom ito. Hindi na niya alam ang susunod na hakbang upang mapabuti ang kalagayan niya at bumalik sa normal ang buhay niya kaya't ginawa na niya ang nararapat..


Hindi na niya alam ang susunod na hakbang upang mapabuti ang kalagayan niya at bumalik sa normal ang buhay niya kaya't ginawa na niya ang nararapat

"Kakaiba ang kaso natin ngayon, Detective." Sabi ng isang forensic sa naka-uniporme'ng lalaki na kakapasok lang sa kwartong iyon. Nilibot niya ang tigngin at tinignan ng masinsinan ang pinangyarihan ng krimen.


"Paano mo nasabi?" Aniya. Lumapit ang dalawa sa isang bangkay na kasalukuyang nakaupo sa mesang punong-puno ng dugo.


"Tignan mo ang bangkay. Tinitignan namin ang anggulong ginawa niya ito sa sarili niya dahil walang kahina-hinalang pwersahang pagbukas ng pinto at bintana niya kaya malabong may ibang gumawa nito sa kanya." Ani ng forensic.


Tumango-tango naman ang detective habang nagsusulat ng notes sa kanyang maliit na notepad.


"Nakapagtatakang pinutol niya ang mga kamay niya gamit ang talim ng tabak na sinadya niyang itali sa mesa kaya't patuloy lang itong dumugo at hindi na tumigil pa, na naging dahilan kung bakit siya namatay." patuloy nito.


"Tapos?" kumbinsi ng detective dahil nakikita niyang may hindi pa sinasabi ang kausap at patuloy itong bumabagabag sa isipan ng kasamahan niya.



"Hindi namin mahanap yung kamay niya kahit saan."





- fin



13 Launchers recommend this story
launchora_img
More stories by Akemi
KAHAPON

Ano nga bang meron sa kahapon natin?

10

Stay connected to your stories

Makasalanang Kamay

91 Launches

Part of the Mystery collection

Published on January 24, 2017

Recommended By

(13)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.