Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Labing pitong taong gulang nako
Ilang taon nalang at dadako nako sa panibagong yugto
Simula na ng pagbabago
Pero bakit laging may nagtatanong?
" Binata kana ba iho?"
Kung iyong iisipin ay medyo nakakainsulto talaga.
palagi kang nasasabihang
maliit
pandak
hindi makita.
Tanong ko lang, bakit nyo laging pinupuna? Bakit lagi nyong pinupuna kung gano kataas?
Kasalanan ko ba na hindi ako nabiyayaan ng tangkad?
Kasalanan koba na sa tuwing may swimming sila'y nasa malalim at ako'y nasa mababaw?
Kasalanan koba na palagi nila akong naiiwan dahil sa ikli ng hakbang ?
Hindi naman diba?
At hindi lang yon. Sa tuwing bibili ako ng gamit laging may nagsasabing
"dun yung pambata"
Sa tuwing tatawagin ako ng teacher laging may nagsasabi
"uy tayo daw"
Seventeen nako pero pang thirteen daw yung height ko. Natutulog ng matagal at maaga nagbabaka sakaling tumangkad atleast may pag asa.
Hindi ako pumupunta sa matataong lugar.
Madalas ako'y naiipit at di nakikita.
Parang ako na walang mapagsabihan sapagkat iniisip na mababaw lang ang dahilan.
Niyakap ko ang lahat ng pagkukulang. Ginawa ang lahat magmuka lang matangkad, mataas at walang kulang.
Tumitingkayad kahit nasasaktan.
Umiinom ng pampatangkad nagbabaka sakaling gumana.
At dito ko nakita ang halaga ng pagtulog nang maaga.
Na hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko pa kung bakit hindi ko ginawa.
Dahil mas inuna kopa ang maglaro at gumala. At dahil dito'y nakagawa ng tula.
Tula na tungkol sa aking pagkabata hanggang sa aking pagtanda. Mga kaganapan sa aking buhay na lubos kong pinag iisipan.
Mga kaganapan na dadalin ko hanggang sa aking pagtanda.
Tula na para sakin at sa anak kapag akoy tumanda
Pero di na mahalaga ang gantong ala ala,
Masaya kahit maliit
Maliit pero masaya
Tula na para sakin ipinaparinig ko sayo
Dito ko na tatapusin ang aking maikling katha, sanay natuwa
Nagmamahal, Maliit mong kaibigan
532 Launches
Part of the Life collection
Published on August 08, 2017
(2)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.