Are you sure you want to report this content?
Illustration by @dariaesste
Kailan nga ba ako magiging sapat
Kung sarili ko'y 'di ko matanggap
Kung sa bawat bigkas ng dapat
Ay kinakailangan kong magpanggap
Nasaan ang aking pagpapakatotoo
Sa damdamin kong puno ng panibugho
Nasaan ang nararapat na respeto
Sa puso kong di malayong guguho
Ganito ba ang kalayaang inaasam
Kung ako'y statwang sakal ng kawad
Kapayapaang akin na sanang natatakam
Ngunit sarili man lang ay 'di mapatawad
Paano ko maililigtas ang mga matang bulag
Ni silbi nga'y hindi man lang masilayan
Para bang abandonadong hapag
Bulok, lawaan at inaanayan
Pakiusap, hindi ko na alam saan ako patungo
Ligaw na landas lang ang mayron ako
At kahit anumang tanaw ang aking nililingo
Daang walang direksyon pa rin ang tahak ko
Ngayon mo ipagkait na walang pili ang diyos mo
Kung ang mismong naniniwala ay parang tuta
Sunod-sunuran sa utos ng kanyang amo
'Di madatnang putik, 'di madatnang muta
Gulong-gulo ang walang tigil na sigaw ng isip
Lunod ang dibdib sa apaw ng lasong morado
Kahit ang mga anghel ay takot makasilip
Sa bumubuong apoy sa matang borado
Kaya hanggang kailan ako maghahanap
Ng tiwalang binaklas ng sanlibong bala
Dahil nang salamin na ang nakaharap
Duguang kaluluwa na pala ang naabala
Aminin mong yun ang naging sapat
Dahil sarili ko ay hindi ko matanggap
At sa bawat bigkas ng iyong dapat
Tapos na akong magpanggap
73 Launches
Part of the MyPlotTwist collection
Updated on August 12, 2020
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.