Kasalanan ko kung bakit ako may sakit; kung bakit ako ganto.
Kasalanan ko kung bakit may mga sugat sa palad ko.
Kasalanan ko kung bakit yung mga mata ko namumugto;
Hindi ko naman sinasadya eh, nadala ng emosyon.
Kaya ayan, naglaslas; mababaw pero masakit.
Kasalanan ko kung bakit mag-isa ako ngayon.
Kasalanan ko kung bakit nagbabago pakikitungo niyo.
Pasensiya na at hindi ko napapansin mga dinaramdam niyo.
Gusto ko lang naman kasi muna tulungan sarili ko.
Kasalanan ko yung nangyare kahapon; saka nung isang araw saka nung isa pa.
Pati yung mga mangyayare bukas, sige inaako ko na.
Kasalanan ko kung bakit may pinoproblema kayo ngayon.
Kasalanan ko rin kung bakit bumabagsak ako ngayon.
Kasalanan ko na din kung bakit wasak ka ngayon.
Kasalanan ko na lahat;
Ako na magpapakumbaba;
Aakuin ko na lahat;
Kasalanan ko lahat.
Pagod na ko sa totoo lang.
Ayoko na makipagtalo, kaya aakuin ko na lahat.
Ano ba naman kasing panalo ko?
Kahit may point ako, dala-dala ka ng ego mo.
So ano ng mangyayare ngayon,
ngayo’t inamin ko na lahat ng kasalanan ko?
Anong mangyayare, masosolusyonan ba lahat?
Hayaan mo, kasalanan ko pa rin yung sa susunod,
Saka yung mga susunod pa.
Mag sosorry ako ng mag sosorry,
Kasi kasalanan ko lahat.