Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Kaya mo na bang talikuran ang nakaraan at magsimula ng bago?
Kaya mo na bang kalimutan ang lahat ng mga alaala niyo?
Kaya mo na bang magising ng hindi siya ang unang sumasagi sa isip mo?
Kaya mo na bang isang araw, hindi na pareho ang tibok ng mga puso niyo?
Kaya mo na bang makita siyang may kasamang iba?
Kaya na ba ng puso mong madurog habang siya'y masaya?
Kaya mo na bang palitan ang tayo sa wala na?
Kaya mo na bang bitawan ang nararamdaman mo para sa kanya?
Ito ay hindi magiging madali. Marami pang luha ang papatak sa sahig, marami pa ang alaalang babalik na magpapatagal sa paghilom ng sugat diyan sa iyong dibdib.
Ngunit ito lamang ay sa una. Dahil sa lalim ng iyong sugat ay akala mo hindi na ito gagaling. Dahil sa sobrang sakit nito ay gusto mo na itong maging manhid. Dahil hindi mo alam kung ito pa ba'y maghihilom o hindi. Ito lamang ay sa una. Balang araw, matatanggap mo rin na hindi kayo ang para sa isa't-isa.
Balang araw, tatawanan mo na lang na iniyakan mo siya.
Balang araw, hindi na katulad ng dati ang mararamdaman mo para sa kanya.
Balang araw, hindi na sa kanya iikot ang mundo mo.
At balang araw, maiintindihan mo rin kung bakit hindi kayo.
Hindi natin masasabi kung kailan, pero alam kong darating. Masakit man sa una, ngunit hindi ito ang huli. Minsan ang akala nating wakas ay pagtatapos lang pala ng isang kabanata, hindi ba?
Ngayon, kaya mo na bang talikuran ang nakaraan at magsimula ng bago?
Kakayanin.
30 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on September 14, 2018
(2)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.