Are you sure you want to report this content?
Lampas isang taon na pala mula nung huli tayong nagkausap. Hindi ko man lang namalayan, hindi pa nga kita maaalala kung hindi ka binanggit nila. Parang noon lang, nag-iintay akong maging isang linggo yung tatlong araw, isang buwan yung dalwang linggo, dalwang buwan, tatlo na pala, apat, lima, anim, at sa hindi ko na namalayan na labing pitong buwan na pala mula noong nagpaalam tayo sa isa't-isa. Nakakatawa, akala ko noong una, araw-araw akong mangungulila sayo. Pero natuturuan nga siguro ang puso, makalimot, at makabitaw. Nagagamot nga yata ng panahon ang sugat nito.
Kamusta ka na? Lagi ka pa din bang puyat dahil sa thesis nyo? Siguro intern ka na, natanggap ka ba sa kompanyang gustung-gusto mo? O magtatapos ka na din ba sa susunod na buwan? Masaya ka ba? O nagrereklamo ka pa din sa araw-araw na usok tuwing babyahe ka? Sana okay ka. Okay ka naman, 'di ba?
Magtatagalog ako, sabay ulit nating tawanan ang lengguwaheng kinakain pa din tayo ng buo. Matatawa ka pa rin kaya kapag nagsulat ako gamit ang wikang nakagisnan naman natin pero lagi mong sinasabing hindi bagay sa'kin.
Nakita mo na ba sya?
Nakilala?
Maganda ba?
Kumikinang ba mga mata nya kapag kausap ka?
Mabait ba?
Nagkasundo ba sila ng kapatid mo?
Takot din ba sya sa nanay mo?
O kasing lakas din ba ng tawa nya ang mga tawa mo?
Pinakilala mo na ba sya sa barkada?
Anong sabi nila?
Tinutukso ba kayo kapag magkasama?
Masaya ka ba?
Masaya ka na ba?
Nakita mo na ba sya?
O nakilala?
Kung hindi pa,
sana dumating na sya.
At kung matatagal pa,
makapaghintay ka sana.
Okay ka naman, 'di ba?
Kamusta?
66 Launches
Part of the Letters To Juliet collection
Updated on August 05, 2017
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.