Launchorasince 2014
← Stories

Linya

Isang akdang naghihintay na matapos. Sari-saring papuri mula sa mga tao. Dagsa ang yakap mula sa mga naniniwala sa'yo. Humaharurot ang elektrisidad nang pagkagusto. Diretso hanggang hindi nag-iiba ang kulay ng ilaw sa harap. Mabilis ang pagtakbo patungong dulo. Sinalubong ka ng libo libong tao subalit bago ka pa makahakbang ay tumigil ang mga tao. Nahinto ang oras at pag-inog ng mundo. Sandaling nanahimik ang paligid at huminto ang paghinga ng mga tao. Napatingin ka sa kamay mong nanginginig at namamawis. Tumulo ang ilang patak ng tubig mula sa itaas. Nakapagtatakang payapa ang paligid subalit may mga hikbing naririnig. Isang tahol ng nahahapong katawan ang nakatirik sa daan.

Humalik sa sahig ang iyong mga tuhod saka mo sinabing, "Time first."

Pagtaas ng iyong ulo isang eksena lang ang natagpuan mo. Ikaw, mag-isa sa iyong kuwarto kaharap ang sarili sa salamin. Walang ibang tao maliban sa iyo. Tanging isang kuwaderno ang ka-hawak kamay mo. Isang sampal ang nagpagising sa iyo.

""Nak, pahinga ka muna."

Your work is your legacy.
Protect it with NAK-ID.

Free to start. Takes two minutes. Lasts forever.

Start for Free →

Free account · No credit card required