Are you sure you want to report this content?
Anong nangyari satin? Balikan natin yung lugar kung saan tayo nagkakilala. Nung binigyan mo ako ng bulaklak. May kasama pang tsokolate at love letter... Love letter na umaabot pa minsan ng 3pages.. walang palya. Araw araw. Yung libro na gustong gusto ko mabasa... Nag aaral pa lang tayo nun kaya pinag-ipunan mo talaga mula sa araw araw mong baon. Yung projects and assignments na ginawa mo para sakin nun, mas maganda pa sa nagawa mo para sa sarili mo. Kaya ayun, mas mataas din yung grade ko. Nakakatuwa din yung time na pumunta ka sa bahay para maging pormal ang panliligaw. Takot na takot ako. Kasi naman, ang babata pa natin nun. Sabay tayo laging umuuwi kahit na napaghihintay kita ng ilang oras. Magfu food trip - kwek kwek, fishball, kikiam, hotdog, mais, fries, at kung anu ano pang turo turo tapos panulak ay buko juice. Hanggang sa nagkatrabaho na tayo... Nahilig sa pagtravel.. Adventures. Nood ng sine, kain sa labas. Hindi lang nga kain, sobrang takaw kasi natin parehas. Walang diet, diet. Minsan naman, tabi lang tayong tutulog buong maghapon, sulit na. Masaya na. Kasi kasama kita. Kasi magkasama tayo.
Minsan siguro talaga, babalik at babalik tayo sa mga panahong laganap pa ang tamis at saya... Alaalang hindi makukuha ninoman... Hindi mabubura.. Hindi mapapalitan..
Minsan lang naman. Minsan lang.
24 Launches
Part of the Love collection
Updated on May 10, 2017
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.