Launchorasince 2014
← Stories

Lumilipad Lang Ang Sandali

Minsan gusto kong itanong kung lumalaban pa nga ba tayo o naghihintay na lang na may bumitaw sa atin.

Mga sandali na iihip ang hangin sa pagitan natin na pilit pinupuwing ang bawat bukas na ating tinitingnan. Mga araw na tila kay haba ngunit di sapat ang oras. Kung ang bawat patak ng segundo'y minamasdan kung ang hakbang mo'y palapit o palayo na.

Ngunit sa bawat dilim na tinatahak, kamay mo pa rin ang laging hawak. 'Singhigpit ng tila ayaw kumawala na mga yakap. Mga sandaling ikaw pa rin ang minamasdan at hinahanap.

Mga kuntentong minutong tulad nito nawawala ang mga katanungang nabubuo sa tuwing 'di tayo nagkakasundo.

Your work is your legacy.
Protect it with NAK-ID.

Free to start. Takes two minutes. Lasts forever.

Start for Free →

Free account · No credit card required