Are you sure you want to report this content?
Hindi ko na alam kung ano ang ilalagay ko sa mismong kwento na gusto kong ipakita sa iba, alang-alang sa kanya. Lagi nalang ako napapabuntong hininga sa t'wing inaalala ko siya. Ang expression ng kanyang mukha ay para bang may problema o something na may negatibo siyang iniisp na hindi ko alam kung ano ba iyon. Gusto ko siyang kausapin pero sabi ko sa sarili ko na hayaan ko muna siya, o kaya ito yung tinatawag natin na "Alone TIme". Siguro kailangan ko muna siya bigyan ng space para pag-isipan ang mga bagay na kung ano man yung iniisip niya sa kanyang utak. Pero, parang di ako mapakali na gusto ko talaga malaman kung ano ang kanyang iniisp, gusto ko na kausapin siya para hindi siya mag-aalala tungkol sa mga bagay na iyon. Siya lang ang bukod-tanging tao na iniisip ko sa t'wing nag-iisa din ako. Chi-nat ko siya pero di siya sumasagot o nag-re-reply sa bawat mensahe na sine-send ko sa kanya.
Laging may lumilitaw na tanong sa aking isipan, katulad ng:
"Kamusta ka kali siya?"
"Naka-uwi na ba iyon?"
"Ano kali yung iniisip niya sa ganitong oras?"
"Nakakain na ba siya mabuti?"
"Umiiyak na ba siya mula sa kanyang kalooban?"
"Gaanong kalalim kali yung mga iniisip niya ngayon?"
Sa totoo lang, habang nilalagay ko ang mga tanong, unting-unti napapaluha ang aking mga mata, dahil lang sa kakaisip sa kanya. Gusto ko siya makita at yakapin ng mahigpit at pakinggan ang gusto niyang sabihin mula sa kanyang sarili, para mailabas niya ang sama ng loob at muling maging maluwag ang nilalaman ng kanyang dibdib. Gusto ko muling humingi ng tawad sa lahat ng sinabi ko sa kanya noong mga nakaraang araw pero ano ang sinabi niya, "Okay na 'yon, hindi ko man masyado iniisip tungkol sa bagay na iyon". Kahit sinabi niya iyon mula sa aking harapin, nararamdaman ko pa din na muling inaalala ng kanyang utak ang mga sinabi ko noong mga araw na iyon. Paano kali kung hindi ko sinabi ang mga salita na iyon, hindi na ba siya masasaktan ngayon? Siguro dahil sa akin, nahihirapan na siya sa sitwasyon ngayon. Pero ayoko naman mag-assume sa mga ganitong bagay. Baka ako naman yung umaasa na ganito pala yung iniisip niya. Malalaman ko nalang mula sa kanyang bibig kung ano ba talaga yung nadarama niya sa kanyang sarili, kung anong bagay ba yung di niya kayang sabihin sa akin.
Lagi ako nandidito, naghihintay para sayo para sabihin ang mga salita na kailagan kong malaman. Sana handa na ang iyong sarili sa mga mabibilis na pangyayari sa mundo na iyong kinatatayuan.
Maghihintay ako hanggang sa maging handa ka sa iyong sarili para muling harapin ako...
45 Launches
Part of the Happenings collection
Updated on April 02, 2019
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.