Launchorasince 2014
← Stories

Malaya na Tayo

Hanggang dito na lang ang damdamin,

alaala at kahapong atin.

Dito ang dulo, dito tapusin,

walang galit, buo na ang isip.


Ikaw sa akin ang paalalang

pikit-mata ma'y kayang humakbang,

nagturong takot ay takot lamang,

higit ang bukas na nag-aabang.


'Di tayo ang labang magwawagi

'Di tayo ang makakapagsabi.

Bibitiw dahil tayo ang mali,

at baka sakaling maaari


Hinihintay nang tamis ng bukas,

pag-asa, pagbangon, bagong lakas,

pag-ibig, higit sa ating wagas,

yakap, tahanan ng pusong ligtas.


Walang magagawa't nandito na.

Sandaling oras nati'y tapos na.

Mahirap man ay haharapin na.

Mula dito, sa'yo'y paalam na.