launchora_img

Illustration by @luciesalgado

MALI KA

Info

Mali ka.

Dahil darating at darating tayo sa puntong magsasawa tayo sa isa't isa.

Darating ang mga umaga na hindi na ako ang nanaisin mong makita. At masusundan 'to ng mga araw na hindi na ako ang gugustuhin mong makasama. Mabibingi ka na sa tunog boses ko. Mabubulag ka na sa kislap ng mga mata ko. At hindi na sasabay ang puso mo sa pag ngiti ng mga labi ko.

Darating ang mga hapon na hindi ka na masasabik sa paglubog ng araw, dahil senyales ito ng nalalapit ko nang pag-uwi.

Hindi ka na masasabik sa pag-uwi ko.

Darating ang mga gabi, na kahit sobrang lamig ay mas pipiliin mong magbalot sa kumot kaysa magkulong sa mga braso ko. Mas pipiliin mo nang talikuran ako kaysa pagmasdan ang payapa kong pagtulog, o baka hindi mo na naisin matulog sa tabi ko. Hindi malabong ganon nga ang mangyari.

Hindi na tayo mga batang paslit na dapat ituring ang pag-ibig na parang makulay na paru-paro, na kapag nahuli'y hindi na muling hahayaang lumipad pa sa malayo.

Ngunit mali ka rin.

Kung iisipin mong kapag nasa dulo na tayo'y iiwanan nalang kita. Na susuko nalang ako't hahayaan kitang kumawala sa gapos ng pagmamahal ko. Na hahayaan nalang kitang dumaplis sa palad ko.

Oo nga't hindi na tayo mga paslit at hindi na tayo ganon kasabik makahuli ng paru-paro.

Pero hangga't maari'y hindi ako papayag na uuwing talo sa pusta ng pag-ibig na tayong dalawa ang nakataya.

Dahil magkasabay mang umindak ang problema at tuksong tadhana Ikaw lang ang pipiliin kong makasama. Ikaw lang ang gugustuhin kong makasama.

Wag mong sabihin na hindi tayo darating sa puntong magsasawa tayo sa isa't isa.

Dahil mali ka.

Ito yung masaklap na realidad na kailangan tanggap mo na.

Magsasawa ako sayo. Magsasawa ka.

Pero wala kang dapat ipangamba Dahil kapag naroon na tayo at ang laààahat ay ubos na.

Pipiliin ko pa ring mahalin ka.


3 Launchers recommend this story
launchora_img
More stories by Future
Dating me

By ariel urpiana

10
Dating tayo

SAKSI KA BA

00
i love you :(

when i was your man by ariel urpiana

10

Stay connected to your stories

MALI KA

37 Launches

Part of the Love collection

Published on August 18, 2017

Recommended By

(3)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.