Are you sure you want to report this content?
Naglalakad ako sa corridor ng isang 4th story building. Specifically, sa first floor.
First floor. First. Ang sakit pala kapag first love na, first heart ache pa. First anniversary narin sana namin kaso…..
Tiiiiiiiiiit… 9 pm na pala. Ang bilis ng oras. Kasing bilis niyang mag move-on...
At ako naman naiwang umaasang baka bumalik pa siya. Baka lang naman.
Diretso lang ako sa paglalakad habang may mga tubig ng naiipon sa mata ko.
Sa 3rd floor yung room namin pero pagkatapos kong kuhanin yung bag ko dumiretso ako sa 4th floor. Nakita ko kasi yung mga bessy ko at sawa na ko sa "Wag ka ngang tanga." "Move on move on din kasi."
SANA NGA GANUN KADALI DIBA!
Ang tahimik. Naririnig ko ang sarili kong paghinga. Nakakapagod din palang umakyat sa 4th floor.
Pero alam mo yung mas nakakapagod? Yung mahalin ang taong di ka na mahal.
Bukod sakin wala ng ibang tao dito.
Naalala ko tuloy nung unang kinausap niya ako. Dito rin sa mismong kinatatayuan ko.
Mag isa lang ako. Lumapit siya. "Alam mo di magandang mag isa ka dito".
WAG MAG-ISA! Tapos ngayon iiwan mo ko.
"Alam mo di magandang mag isa ka dito, kasi may nagmumulto".
"Multo daw. Daw lang naman e. Pero sige baba na ako.
Parang uulan kasi. Uwi na ko." Naglalakad na ko papuntang hagdan nang
bigla akong nasimento. May kumalabog ng malakas.
"Pusa lang yon. Lakad na."
Dahan dahan na kong naglalakad sa corridor.
Yung puso kong akala ko di na titibok dahil sa kanya, may ibibilis pa pala nang nakarinig ako ng mga yabag.
Ayoko kong lumingon.
Mabagal lang yung mga yabag. Kung tatakbo ako hindi ako maaabutan.
Pero hindi ko kayang bilisan. Nanginginig ako.
Di nagtagal nawala rin ang dahan dahang yabag.
Naging mas mabilis at mas maingay.
Sakabila ng nanginginig kong katawan, nagpatuloy ako sa pagbaba. Ito na ata ang pinaka mahabang hagdan sa buong buhay ko.
"Psst."
"Psst."
"Psst."
Napahinto ako ng tuluyan. Sa dulo ng hagdan may babaeng nakatayo. Anino lang niya ang nakikita ko.
Dahan dahan siyang umaakyat. Palapit sa akin. Hindi ko na alam kung saan ako tatakbo o kung makakagalaw pa ba ako.
Pikit mata akong nanalangin.
Pagmulat ko
wala na siya.
Kumaripas ako ng takbo. Wala na akong pakialam kung may mabangga man ako. 3rd floor... 2nd floor... hanggang marating ko ang first floor.
Doon ko nakita yung mga kaibigan kong pauwi na.
Takang taka sila kung bakit tarantang taranta ako. Kinuwento ko lahat.
Pero may nakalimutan ako.
Nakalimutan kong dalhin yung bag ko! Dahil takot narin ang mga bessy ko, sa guard nalang namin pinakuha. Mabuti at wala naman daw nag paramdam kay kuyang guard.
Iyon na ang huling beses na umakyat ako sa 4th floor na iyon hanggang sa maka-graduate ako.
There are two beautiful cities. One is saved by love and one is destroyed by war. What can we learn?
0177 Launches
Part of the Something Else collection
Published on June 15, 2017
(5)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.