launchora_img

Illustration by @dariaesste

Mga bagay na kinaiinisan ko sa pagiging isang babae

Info

Mga bagay na kinakainisan ko sa pagiging isang babae

Una

Yung buwan-buwan mong nararanasang sakit at pagdurursa habang nakabaluktot sa iyong kama.

Daig mo pa yung sundalong sugatan na sumabak sa gyera gayong nandun ka lang sa iyong lungga

Hawak sa isang kamay ang mainit na pomento sabay pikit at daing ng "Ang sakit" dahil daig mo pa nga ang sundalong sumabak sa gyera

Duguan at nakabaluktot ng walang laban

Pangalawa

Mga mapanuring mata, laging sa iyo ay nakamatyag

Hindi malaman kung ano ba ang tunay na gusto nila

Pero maya-maya lang ay makakarinig ng mga bastusing salita mula sa bibig ng mga animal na animo'y nakawala sa hawla

Kahit na mukha ka nang tinapa na ilang balot na ang suot na saplot

Wala ka pa ring panangga sa mga maduduming hayop na umaaligid para mangsutsot

Pangatlo

Mahina. Ang tingin sa iyo ng lipunan ay animo'y isang babasaging baso na kapag nabitawan ay magkakapiraso-piraso. Para kang mamahaling muwebles na kahit gaano kalaki ang halaga, isa ka lamang dekorasyon sa bahay nangangatulong at ang iyong asawa ang iyong amo.

Nakakarindi ang mga ganitong tagpo na ang isang babae ay para lang gawing pampalipas oras ng mga lalaking hayok pangrampa para may ipagmalaki

Gawing parausan para maisalba ang sarili mula sa tawag ng libog

Kaya tama na. Kung akala niyo na ang babaeng buwan-buwang nakabaluktot dahil sa sakit ng puson ay habang buhay nang lumpo, nagkakamali kayo.

Dahil daig pa nito ang sundalong sumabak sa gyera, walang sugat ang makakapagdikta kung siya ba ay titigil na dahil aahon ito.

Lalaban siya para sa karapatan niyang pantao. Hindi dinisensyo para maging dekorasyon kundi bilang isang babaeng magiging ilaw ng bawat henerasyon.

Hindi ginawa para babuyin at alipustahin ng mga lalaking tag-libog.

Hindi binihisan ng maganda para iyong sitsitan sa kanto

Hindi isang baso na kapag nabasag ay inyo na lang itatapon.

Dahil ang bawat babaeng makakasalubong ninyo ay isang pigura na dapat irespeto. Nilikha ng Nasa itaas para humubog sa bawat tao at hindi dapat gawin bilang sariling paraiso.


Be the first to recommend this story!
launchora_img
More stories by Faye
Becoming a better version of myself

The day will come that we are all the better version of ourselves.

02
13th

13th

10
YOU ARE NOT A FAILURE

Struggling to survive in this chaotic life, but I, You, US, need to get hold of it.

20

Stay connected to your stories

Mga bagay na kinaiinisan ko sa pagiging isang babae

106 Launches

Part of the Poetry Wars collection

Updated on August 31, 2018

Recommended By

(0)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.