Are you sure you want to report this content?
Sabihin na nilang ako na yung bobo
Bobo, ba't ako nagkagusto sa isang tulad mo
Isang taong topakin, madrama at lokoloko
Pero sa kabila man neto
Ang kabutihan sa puso mo,
Kailanma'y di mo maitatago sa harap ko
At yun ang dahilan kung bakit andayan pa rin ako para sa'yo
Sabihin mong ako'y tanga
Kung bakit ikaw pa
Pero wala akong magawa
Ako'y nahulog na ata
Kahit anong pigil sa puso kong gala
Ikaw pa rin ang tinitingala
Di mapigil-pigilan ang paghanga
Sa isang taong tingin sa sarili'y 'wala'
Kasalanan ko ba,
Na di na kita kayang bitawan pa?
Pilit mo kong nilalayo
Kahit sobrang mahal mo ko
Kasi sabi mo na di ka karapat-dapat sa pagmamahal ko
Na baka ikaw lng ang maging mali sa buhay ko
Na di na siguro posibleng maging tayo
At hanggang kaibigan na lng siguro lahat ng ito
At itatago mo na lng yung nararamdaman mo
Para mapasaya lng ako
Pero pano kung sabihin ko sa'yong ikaw nga
Ikaw yung aking saya
Pano kung mali pala lahat ng iyong hinala?
Pano kung tayo pala para sa isa't isa?
Pano kung sabihin ko sayo nahihirapan na akong bitawan ka?
Gusto ko lng naman na makasama ka
Di mo napapansing masasaktan ako paglumayo ka pa?
Ayaw ko nang mabuhay kung wala ka
Sana naman maintindihan mo na minahal na kita
-
Unable to say that you love him too because you are afraid to love and be hurt.
0026 Launches
Part of the Love collection
Published on January 14, 2018
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.