Are you sure you want to report this content?
Broken ka? Masakit? Puso ba? Ilang taon kayo? O baka naman buwan lang yan ha? Sinong unang umayaw? Siya ba o ikaw? Tingin mo bakit?
Hindi to para maging bitter ka, hindi rin to para mabilis na kalimutan siya. Ang sakit, hindi mo yan matatakasan agad agad. Hindi totoong makakamove on ka sa maiksing panahon lang. May mga oras na maisip mo lang siya parang gusto mong magmakaawa na bumalik siya. May mga pangyayaring makita mo lang siya parang gusto mo siya yakapin para malaman mo kung meron pa. May mga pangyayaring makikita mo nalang yung sarili mo na umiiyak ng walang dahilan, (nako wag mo gagawin yan magmumukha kang tanga HAHA).
Walang ibang tao na maiibsan ang sakit natin sa puso kundi tayo lang din. Ikaw lang din ang tutulong sa sarili mo para makatayo mula sa masayang trahedyang nangyari sayo kamakailan lamang. Lahat ng bagay dumadaan sa proseso, kahit nga pagyaman dumadaan din sa proseso eh. Pero tingin mo pano mo siya makakalimutan? May idea ka na ba? Ay mali ang tanong ko dapat pala "HANDA KA NA BA?" handa ka na bang mawala siya sayo? Handa ka na bang kalimutan siya? Handa ka na ba para simulan yung mahabang proseso na haharapin mo para lang makalimot ka?
"Hindi yan kagaya ng amnesia na hindi mo talaga maalala ha? Hindi yan iniinom ng gamot. Hindi din mawawala ng alak ang lahat ng sakit at pait ng iyan, tandaan mo na ulo pinapasakit ng alak."
Tulad ng sabi ko, hindi naman ito panandaliang proseso. Hindi iyan magic na isang kurap lang move on ka na. Siguraduhin mo munang handa ka na, siguraduhin mo munang kaya mo na.
Sa una, andyan pa yung magsstalk ka sa profile niya para kahit di mo na siya kausap o kachat updated ka pa rin. Oo bes, sa una lang yan pagbibigyan kita pero pakiusap unti untiin mo lang hanggang sa masanay kang hindi mo na yan ginagawa. Kung pwede lang iblock mo siya sa lahat ng social media sites (hindi sa pagiging bitter pero paano mo matututunan na mag isa kung sa lahat ng oras stalk ka pa?) Wag mo na rin siyang subukan na kumustahin after break up, magmumukha kang naghahabol niyan eh. Wag mo na rin i-text o tawagan yung number niya kasi kahit burahin mo yan alam kong saulo mo yan. Never try to approach him. Get rid of him.
Pangalawa, yung dating oras na nilalaan mo sa kanya ilabas mo at gamitin mo sa mga hobbies and interests na dati mong ginagawa nung wala pa siya. Try mo rin alalahanin yung mga kaibigan mong nalimutan mo nung dumating siya. Marerealize mo na noong kayo pa, sa kanya lang umiikot mundo mo dahil ang dami mong namiss sa buhay. Ang daming bagay na hindi mo nagawa kasi bawal o kasi di pwede o kasi di pwede ng hindi siya kasama. Makakatulong yan para unti unti siyang mawala sa alaala mo, para unti unting mabaling yung atensyon mo sa ibang bagay.
Lastly, gusto kong tandaan mo na hindi lang siya ang pwedeng bumuo sayo. Hindi lang siya ang taong pwede mong mahalin, hindi lang lovelife ang makakapagpasaya sayo. Come to think of it, we have a lot of purpose to live.
"You have to accept the fact that he was not yet "the one" that was meant for you, maybe both of you has planned the future together but still you have to give yourself a back-up plan. Plans without him in it."
Madami pang makakapagpaligaya sayo at hindi lang pagmamahal niya ang tanging sagot. Try to seek God and also try to find yourself once again. Try to bring back the old you. It maybe a good start for you to get better.
Then you'll realize how does it feel to be fresh and free :) I really hope this will help to mend you. God Bless :) Never forget to wear a smile :)
312 Launches
Part of the Self-Help collection
Published on March 25, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.