Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Alam mong sinasaktan ka na niya, hindi lang isa hindi lang dalawa pero pinili mo pa rin na mapunta ka sa wala. Ngayon, asan ka? Ay mali. NASAN SIYA? Sinundan ka ba? Bumalik ba? Binigyan ka na ba ng halaga? Ilan ba kayong mahal niya? Alam mo ba na ganito siya? Alam mo ba kung gaano katanga ng relasyon niyong dalawa? Alam mo bang tanga ka din? Dahil patuloy kang umaasa sa taong alam mong hindi na kailanman magiging sayo.
Ano na? Iniintay mo pa rin ba? Hanggang ngayon? Ano bang napapala mo?
Ngayon nagbunga na. Ngayon may bunga na sila. Ano ka na? Patuloy mo pa rin bang sisirain buhay mo dahil lang sa isang taong hindi ka kayang mahalin ng tama? Hahayaan mo nalang bang ganyan ka? Pipilitin mo pa rin ba yung sarili mo na mahalin ka niya? Hindi mo ba napapansin? Ayaw niya. Hindi niya ikaw gusto. Ikaw nalang ang kumakapit. Tingin mo bakit hanggang ngayon hindi niya kayang iwanan yung isa? Kasi diba yun naman talaga ang una? Kasi diba ikaw lang ang nakihati? Kasi diba ikaw lang ang pangalawa?
Pangalawa! Oo ayan ka, ayan ka lang. At kahit kailan hindi ka magiging una. Kung mahal ka niya bakit niya to nagawa? Alam mo ba? May alam ka bang dahilan? WALA DIBA? WALA!
Kahit anong tanong ko, bulag ka pa din. Kahit pano ko ipaliwanag tanga ka pa din.
72 Launches
Part of the Love collection
Updated on March 25, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.