launchora_img

MY LOVE

Info

Mahal,

Siguro nga, minsan lang talaga ako gumawa ng sulat para sayo. hehe. lagi naman kasi tayong magkausap mahal diba? May mga araw na seryoso tayong nagkakausap about sa mga bagay bagay na gusto nating malaman o kaya naman ayusin para mas maging okay ang relationship natin. Yung tipong mas magiging kumportable at mas makilala pa natin ang isa’t isa.

Sa totoo lang mahal, Sobra akong nagpapasalamat sayo. kasi kahit na ganito lang ako. kahit na hindi ako perpekto o kaya naman madami akong kakulangan at madami ding bagay na pwedeng ikainis sakin. minahal mo parin ako ng gaya ng pagmamahal na ibinibigay mo sakin. Yung pagpaparamdam na andyan ka lagi sa tabi ko. yung araw-araw mo kong nililigawan kahit na tayo na. yung pakiramdam na wala kang sawa sa pag-iintindi at pagpapakita ng pagmamahal mo sakin lalo na sa mga panahong napakaimposible ko ng pakisamahan.

Mahal? Hindi ko alam kung bakit o panong nangyari ang lahat ng bagay na to. Minsan kasi, nagtataka lang talaga ko. Kung bakit ang swerte swerte ko sayo. Alam ko naman kasi sa sarili kong hindi ako ganun kabait, minsan mahirap akong pakisamahan, mahirap din akong mahalin, nakakainis ugali ko pero bakit sa kabila ng lahat ng yun binigyan parin ako ng Diyos ng napakagandang regalo. IKAW yun mahal.

Alam mo bang gustong guto kitang ipagdamot? hindi ko alam kung bakit pero kasi babe, Bihira lang yung taong kagaya mo. na sobra sobrang magmahal. na sa lahat ng gagawin mo laging kasama ako. sa mga pagpaplano o mga gagawing desisyon sa buhay kasama ako. na hindi lang magaling sa salita at sa pagpapakilig pero sobrang ramdam na ramdam ko yung pagmamahal mo sakin. Mahal, maraming salamat kasi sa mga panahong nanghihina ako, andyan ka para sumuporta. Siguro nga, may mga panahong nagiging mahina ako at dumadating sa puntong gusto ko ng bumitaw. pero andyan ka lagi para hawakan ako. para patuloy parin akong yakapin at palakasin ang loob ko.

Sabi ko nga sa sarili ko, kulang na kulang ang salitang MAHAL NA MAHAL KITA para lang masabi ko talaga sayo ang totoong nararamdaman ko, Yung sa araw-araw na ginawa ng Diyos gustong gusto kong alagaan sarili ko, hindi lang para sakin, kundi para din sayo. para makasama kita ng mas matagal. pag sinabi kong matagal ang ibig sabihin ko nun eh yung makasama kita hanggang sa pagtanda natin. Hanggang sa puntong hindi na tayo makalakad ng maayos sa sobrang katandaan. madalas na tayong makaramdam ng rayuma.

Ikaw na ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda mahal, Ikaw na yung gusto kong maging asawa ko. Alam kong masyadong maaga pa magsalita ng mga ganitong bagay. pero kasi hawak ko na yung pinaka espesyal na tao para sakin. eto na oh, Yung lalakeng pinangarap ko at yung matagal ko ng hinihiling sa Panginoon eh nasa akin na. Kung may kakayanan lang talaga kong magdikta sa lahat ng bagay, gagawin ko. na Ikaw na talaga ang asawa ko.

Pero ayun nga, Kung darating man yung panahon na tayo parin hanggang sa huli, Sobra-sobra akong magpapasalamat, Sobra-sobra akong magiging masaya pero kung hindi, masakit man pero tatanggapin ko parin. Pero iisa lang ang alam ko, kung sino man yung magiging asawa mo, Napaka swerte niya. Sobrang napaka swerte niyang babae kasi ikaw yung asawa niya. Ikaw yung magiging tatay ng mga anak niya. Isang kagaya mo ang makakasama niya sa pagharap sa kung ano mang hamon ng buhay. Sadyang Napakaswerte nga naman niya. Pero kung bibigyan ako ng pagkakataon pumili, Gusto ako nalang din yung babaeng yun. yung makakasama mo sa pagharap ng kahit ano mang bagay sa buhay.

Mahal na mahal ko po ikaw babe. Lagi mong tatandaan yan ha? Ikaw ang buhay ko. :’)


Be the first to recommend this story!
launchora_img
More stories by Justine
SHOULD I LET YOU GO

LET GO OR STAY STRONG

00
MY LOVE

MY LOVE

00
UNSAID FEELINGS

UNDYING LOVE

00

Stay connected to your stories

MY LOVE

25 Launches

Part of the Love collection

Updated on March 10, 2018

Recommended By

(0)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.